Twitter at Facebook nagpapalala talaga sa away!
Mula nang mauso ‘yang nga Twitter-Twitter account na ‘yan at Facebook, malaya nang nakapag-aaway sa Internet maging ‘yung mga hindi magkakakilala at may hindi magkakaparehong opinyon sa buhay at bagay-bagay.
Okay ito kung tutuusin dahil nagkakaroon ng outlet ang tao sa mga nararamdaman nilang galit at saya. Pero ang hindi maganda ay ‘yung ang galit ay ginagawang dahilan para manakit at manlait.
Hindi ko lang malaman kung bakit ginagawa ring behikulo ang Internet para maisabog ng marami ang kinikimkim nilang galit na para sa akin ay iisang karuwagan. Why not face your enemy and tell him to his face na galit ka. Kung galit din siya suntukan na lang kayo. Mas madaling mawala ang galit sa ganitong paraan at dalawa lamang kayong maapektuhan. Pero sa Internet, milyon ang saksi sa kung anuman ang sabihin ninyo. Wala pa kayong friends, loved ones na puwedeng makisalo sa inyong nararamdaman.
Ang sa akin lang naman, marami akong nababasa sa Internet na dapat ay sinasarili na lamang. Bakit kailangang ibilad ang mga bagay na dapat ay pribado lamang.
Kris at Carl hindi makaamin
‘Yang balitang pagkakamabutihan nina Kris Bernal at Carl Guevara, bakit hindi mabigyan-bigyan ng linaw? Kawawa naman ang Bench model kung hanggang ngayon nanliligaw pa rin siya kay Kris.
Naku, kayong dalawa, lumantad na nga kayo at baka makabilang pa kayo sa marami na nag-break na bago pa inamin na nagkakaroon sila ng relasyon.
Katrina at Kris, kailangan ng kasal
Congratulations kina Katrina Halili at Kris Lawrence. Isinilang na ang firstborn nilang si Katrence. Sana magsilbing inspirasyon ang sanggol para gawin nilang permanente ang kanilang relasyon. Pareho naman nilang gusto ang isa’t isa. At hindi rin naman nakadepende ang mga career nila sa status nila sa buhay. Like Katrina can still do roles na dati niyang ginagawa kahit may asawa na siya and, Kris too.
Ano pang hinihintay n’yong dalawa, pakasal na kayo!
Nangangamoy balikan!
Sina Jomari Yllana at Aiko Melendez magbabalikan ba o hindi? Ang dami-daming naghihintay na magsasama silang muli. Pero ako, maiintindihan ko kung sa pagiging magkaibigan na lamang humantong ang kanilang relasyon. Kung dito ba sila mas kumportable eh. Ang mahalaga ay nagkakasundo sila. I’m sure masaya ang mga anak nila sa kanilang friendship. At least may natatanaw silang chance na baka tuluyan pang magkasundo ang dalawa, If not, friends pa rin sila. Kesa naman maghiwalay silang magkaaway. Dito nagkaka-problema ang mga anak. Let’s give Aiko and Jomari the time to think kung gusto pa nilang magbalikan o manatili na lamang silang magkaibigan.
- Latest