Gerald burado na nga? Sarah may bagong manliligaw na!
MANILA, Philippines - Bagay ba kay Sarah Geronimo na maging Darna? May sitsit kasing pinu-push siya para sa bagong mukha sa Darna. Pero wala pang reaction ang Viva tungkol sa nasabing issue sa singer-actress.
May nauna nang nabalita na si Cristine Reyes. Nabalita rin na si Angel Locsin ulit. Pero ayon sa ilang source wala pa talagang napipili ang ABS-CBN na nakabili ng rights ng superhero na ilang beses nang naipalabas sa TV.
Anyway pero hindi ‘yun ang ikinae-excite ng fans ni Sarah. Ayon kasi sa isang source, may bagong nanliligaw na rito after nang maingay na issue sa kanila ni Gerald Anderson.
Galing daw ito sa maayos na pamilya at hindi gaanong showbiz. Nagpaparamdam na raw ito kay Sarah at maging sa pamilya nito. Pero huwag daw munang pangalanan dahil baka maudlot na naman.
Aga bumuwelta sa mga nanlalait!
All systems go na for Aga Muhlach na mas abala pa yata ngayon - sa kanyang TV show sa TV na Pinoy Explorer at sa pelikula nilang Of All The Things ni Regine Velasquez, sa kanyang budding political career bilang kongresista sa fourth district ng Camarines Sur.
Heto ilang linggo na lang bago ang deadline ng filing of candidacy, nagsalita si Aga tungkol sa mga kahaharapin niyang bagong career.
So kumusta naman siya?
“Ayos naman. Masaya. Very busy. Kakatapos lang ng movie namin ni Regine, showing na on Wednesday, September 26. Sana suportahan ninyo. And then there’s Pinoy Explorer. And siyempre naman Camsur. So maraming nangyayari. But am doing very well,” sabi ni Aga sa tsikahan.
Pero teka bakit ba sa dinami-rami ng lugar na puwede siyang kumandidato, bakit sa CamSur pa na kasalukuyang pinagdedebatehan kung paghihiwalayin pa siya ‘dumayo’?
“Taga-roon kasi kami, in the fourth district. My lola (the mother of my dad) was born there, doon siya lumaki, nag-asawa, and nagkapamilya. Andun pa nga ‘yung lumang bahay niya. So ‘yung mga anak niya – Tita Amalia Fuentes, Tito Alex Muhlach, and my dad – parating bumabalik-balik doon. Kahit kami ng generation ko of cousins, doon umuuwi for vacations. Ako nga, for the last couple of years, I’ve been spending a lot of time in CamSur. Doon nga ako nag-birthday,” kuwento ng aktor.
Bakit hindi na lang siya sa Maynila kumandidato?
Katuwiran ng aktor, mahilig talaga siya sa probinsiya.
“Even before, gusto kong open spaces. I want to be close to nature. Probinsiyano talaga ako. Eksakto, ‘yung distrito namin, isa sa pinakamaganda. May bundok, may dagat, may ilog, may waterfalls, may bukid. Napakaganda in terms of natural resources.
“Saka nakita ko ang mga tao doon, gutom sa hanapbuhay, gutom sa magandang buhay. Naghahanap sila, naghihintay sila na magbago ang buhay nila. Kaya rin ako na-excite,” paliwanag niya pa.
Basically, sa Bicol na siya nakatira. Kung wala siyang trabaho, doon siya naglalagi. Pero lately parati siyang nasa Manila para nga sa movie nila ni Regine na Of All the Things na matagal-tagal din bago natapos.
“Si Charlene rin. Bumabalik lang ‘yan ng Manila every weekend for The Buzz, pero otherwise, doon kami sa Camsur umuuwi.”
So anong masasabi niya sa detractors na hindi naman daw talaga siya certified Bicolano. Ngayon lang daw siya doon naglalagi dahil nga sa pangarap niya?
At heto nag-file pa sila ng kaso against him para mapigilan ang pagpapa-rehistro niya bilang botante ng nabinggit na probinsiya?
Katuwiran ni Aga, may mga ganun daw talagang mga tao at hindi mo naman mapi-please ang lahat. “But it’s also my right to register as a voter. Wala tayong magagawa kung ganoon ang laro nila. Obvious naman na politically motivated ang kasong ‘yan,” say niya na medyo matigas dahil parang hindi siya makapaniwala na may mga ganun palang isyu.
May nabili na raw siyang property sa CamSur last year pa. Nagpa-renovate na rin siya ng bahay at nagbabayad ng buwis doon. At meron na rin daw siyang bank account mga sa bangko doon.
“At ang dami-dami kong kamag-anak in that district, mga Amador, Romero, Abundabar, Borja, Calleja, talagang walang maniniwala na hindi kami taga-roon,” pahabol niya.
Eh ano naman ang masasabi niya sa isyu na artista lang siya?
“Feeling siguro nila sa artista, napakasarap ng mga buhay namin. Akala nila, puro pasarap, puro pa-cute. Pero ang pag-aartista, hanapbuhay din yan. Pinaghihirapan din ‘yan. At ang artista, malapit sa tao ‘yan. Ako, kilala ko ang tao. Mahal na mahal ko ang tao. At ang tao rin ang naglagay sa akin kung saan man ako naroon ngayon. I just want to pay it forward. To give it back to them,” litanya ng aktor na isang abogado sa pelikula nila ni Regine. Ikatlong pagtatambal na nila ito ng songbird.
The movie is directed by Joyce Bernal under Viva Films.
- Latest