Kris and Aljur wala nang urungan sa Coffee Prince
MANILA, Philippines - Ang love team ng Kapuso Network na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica ay magpapakiliti sa mga ng Filipino viewers sa muli nilang pagsasama sa kanilang grand return sa primetime TV ng Pinoy adaptation ng hit Koreanovela ang Coffee Prince.
Ang Kris and Aljur love team ang headlines sa remake ng Coffee Prince na naging isa sa network’s highest-rating Koreanovelas noong 2008 at nagkaroon ng malaking following sa ating mga Pinoy na manonood.
Excited na ang ating dalawang actors sa kanilang reunion project sa maliit na screen pagkatapos ng kanilang mga programa tulad ng Dyesebel, Luna Mystika, All My Life, Sine Novela presents Dapat Ka Bang Mahalin?, at The Last Prince.
“Siguradong na-miss ng viewers ‘yung Alkris tandem sa GMA. Excited kaming dalawa for Coffee Prince dahil first romantic-comedy TV project namin ito. Dapat din abangan nila kung gaano kaguwapo si Kris Bernal ‘pag naging lalaki,” sabi ni Kris.
Si Aljur naman ay masaya rin sa magic nila sa screen ni Kris. “Yung pinagsamahan namin walang kapantay at kung ikukumpara sa iba, malaking bagay ‘yung Kris Bernal sa buhay ni Aljur. Ganun kalalim ang relasyon namin.”
Makakasama nila ang biggest names sa drama na sina Tessie Tomas, Leo Martinez, Ronnie Henares, Ces Quesada, at Ms Celia Rodriguez.
Makakasama rin sina Boy2 Quizon, Steven Silva, Fabio Ide, Sef Cadayona, Kim Komatsu.
Introducing naman sa soap sina Max Collins at Benjamin Alves sa kanilang first primetime project. Ididirek ito ni Ricky Davao.
- Latest