GMA humakot ng parangal sa EMMAs
MANILA, Philippines - Muling kinilala ng isang international award-giving body ang GMA Network, Inc. (GMA) matapos itong humakot ng anim na EMMAs (Excellence in Multi-Cultural Marketing Awards) sa nakalipas na 26th National Association for Multi-Ethnicity in Communications (NAMIC) conference noong Sept. 11 to 12 sa Hilton New York sa Manhattan.
Isa ang GMA – sa pangunguna ng international unit nito na siyang nangangasiwa sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International - sa nag-uwi ng pinakamaraming parangal sa nasabing kompetisyon ngayong taon.
Nagwagi ng first place ang Support Manny Pacquiao online marketing campaign sa digital category, gayun din ang international magazine na Kapuso Abroad sa grassroots category. Nanalo naman ng second place ang Eat Bulaga San Francisco show na sponsored by GMA Pinoy sa Experiential Marketing category.
Samantala, nanalo naman ng third place ang GMA para sa naging partisipasyon nito sa TOFA (The Outstanding Filipino Americans Awards) sa Diversity Awareness category. Pumangatlo rin sa Premium category ang eco-friendly green bags, at ang one-minute free advertising na Pinoy Inbox sa Television category.
- Latest