Kolumnistang si Wilson Flores imbitado sa exchange conference sa China
MANILA, Philippines - Imbitado ang kolumnista, realty entrepreneur at college teacher na si Wilson Lee Flores sa gaganaping China-Southeast Asian NGOs Exchange Conference sa Shenzhen City, China. Siya ay inanyayahang magtalumpati sa Setyembre 21 ng hapon, sa paksang Paano Palakasin ang Kooperasyon at Mapayapang Pag-unlad sa Asya.
Si Flores ay isang kilalang writer ng The Philippine Star na nanalo ng 11 Catholic Mass Media Awards (CMMA) at tatlong Palanca literary awards.
Ang Sept. 21 ay tinaguriang International Day of Peace o World Peace Day noong 1982 ng United Nation General Assembly dahil sa panukala ng United Kingdom at Costa Rica.
Mga lider ng gobyerno at non-government organizations (NGOs) ng Timog-Silangang Asya at Tsina ang dadalo sa international conference.
- Latest