Apl.de.Ap bibida sa San Miguel Octoberfest
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni apl.de.ap ng Black Eyed Peas ang iba pang mga panauhin sa San Miguel Oktoberfest 2012 Beer Festival na gaganapin sa Sept. 28 sa Aseana City sa Macapagal Boulevard, Parañaque City.
Kasama ni apl.de.ap ang iba pang San Miguel Beer brand ambassadors na sina Michael V., Ely Buendia, Pepe Smith, at Sam Pinto.
At habang pinapanood sina apl.de.ap ay mag-e-enjoy pa ang karamihan sa San Miguel Beer na mabibili lamang sa halagang P12. Maliban sa Aseana City sa Sept. 28 ay mararanasan rin ang San Miguel Oktoberfest sa Sept. 29 sa Paseo de Santa Rosa (Laguna), Oct. 5 sa MEPZ II sa Lapu-Lapu City (Cebu), Oct. 19 sa Limketkai sa Cagayan de Oro, at Oct. 20 sa Robinsons Starmills sa San Fernando, Pampanga.
Mayroong anim na San Miguel Beer customized beer brand tents na may kanya-kanyang gimik para sa kasiyahan ng mga tumatangkilik sa San Miguel Beer.
Sa lahat ng San Miguel Oktoberfest Beer Festival parties ay mabibili ang San Miguel’s award-winning beer brands na San Miguel Pale Pilsen, Red Horse Beer, San Mig Light, San Miguel Super Dry, Cerveza Negra, San Mig Strong Ice, San Miguel Premium All-Malt, San Miguel Flavored Beer, Gold Eagle Beer, at ang San Miguel Oktoberfest Beer. Lahat ng brands na ito ay nanalo sa Monde Selection Awards.
“We are excited to bring our six brand tents to the San Miguel Oktoberfest Beer Festival kick-off party in Manila. Our valued customers will not only enjoy must-see performances from our world-class homegrown artists, they will also enjoy all their favorite San Miguel Beer brands with their friends, over activities that represent their diverse lifestyles,” wika ni San Miguel Brewery, Inc. President Roberto N. Huang.
- Latest