^

PSN Showbiz

Kylie matagal nang iniilusyon si Dingdong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Ipinaalala ni Kylie Padilla sa press na nag-interview sa kanya na sa first interview niya arranged by GMA Ar­tist Center at tanungin kung sino sa Kapuso actors ang gustong maka-partner, si Dingdong Dantes ang kanyang isinagot. Kaya dream come true sa kanya ang pagsasama nila sa Haram.

 “Siyempre masayang-masaya ako na siya ang kapareha ko dahil alam kong professional siya, magaling na actor at marami akong matututunan sa kanya. Ang sobrang nakakatuwa pa, sa first primetime soap ko siya ang kapareha ko,” ani Kylie.

Nadi ang pangalan ni Kylie sa Haram at isa sa natuwa sa bago niyang soap ay ang amang si Robin Padilla dahil maipapakita ang good side ng Islam. Masaya rin ang inang si Liezel Sicangco sa kanya at galingan daw niya ang acting.

Samantala, come January 25, 2013, back to condo living si Kylie. Nakabili siya ng two-bedroom condo unit sa The Grove Rockwell at birthday gift niya ito sa kanyang sarili. Very proud nitong sinabing siya ang nagbayad nang nabiling condo unit.

Balik-tambalan nina Kim at Gerald, naudlot na naman

Magre-react nito ang fans nina Kim Chiu at Ge­rald Anderson dahil sabi ni direk Joyce Bernal, ang next project niya after Of All The Things  nina Aga Muhlach at Regine Velasquez ay pelikulang pagtatambalan nina Kim at Xian Lim sa Star Cinema. Hindi pa alam ni direk Joyce ang title ng movie, basta malapit na siyang magsimulang mag-taping.

So, ano ‘yung nabalitang reunion movie nina Kim at Gerald na 24/7 In Love ang title? Hindi ba ito matutuloy, kinansela o wala talagang ganitong movie project? Naku, matagal nang naghihintay ang Kimerald fans ng project ng favorite love team nila, tapos kay Xian pala muna ipapareha si Kim.

Sabi pala ni direk Joyce, willing na willing pa rin siyang idirek sina Aga at Regine sa next movie nila kahit delayed ng three years ang Of All The Things dahil aktor at aktres ang dalawa at hindi lang basta mga artista. “Kapag umarte na sila, may makukuha kang maganda,” sabi ni direk Joyce.

Showing na sa September 26, ang pelikulang umaapaw sa chemistry nina Aga at Regine. Ito raw ang pinakamagandang pelikula ng dalawa, kaya manood na!

Young showbiz couple na pinakikialam ng kani-kanilang handler, hiwalay na

Two years din tumagal ang on and off relationship ng isang young showbiz couple, pero sa ngayon, “single” ang status nila’t break na naman ang dalawa. In fact, two weeks nang pack-up ang relasyon ng dalawa at tila walang guma­gawa ng move sa kanila para sila’y magkabalikan.

Kaya pala ayaw mag-comment ang aktres nang tanungin tungkol sa BF at ngumingiti lang dahil that time, ex na niya ang aktor. Timing namang may ipino-promote ang aktor na show na iba ang kapareha, may alibi ang aktres na ‘wag pag-usapan ang ex.

May konting selos factor ang muling break-up ng dalawa at nakadagdag na ayaw daw sa aktres ng mga taong nakapaligid sa aktor. True bang ayaw ng handler ng aktor na binabanggit ng aktres sa mga interview ang pangalan ng aktor?

Hindi alam ng handler ng aktor na nagagalit naman ito sa aktres ‘pag hindi siya binabanggit sa interview. Kaya hindi raw malaman ng aktres ang gaagwin at kung sino ang susundin between her BF (ex na ngayon) at handler nito.  Ang ginawa ng handler ng aktres, ipinaalam sa aktor ang bilin ng kanyang handler na ‘wag babanggitin ang name niya sa interview ng aktres.

Kilala namin ang handler ng aktor at magre-react ito ‘pag nabasa ang blind item na ito. Hihintayin namin ang side niya sa isyung ito!

AGA MUHLACH

AKTOR

AKTRES

ALL THE THINGS

DINGDONG DANTES

GROVE ROCKWELL

HANDLER

IN LOVE

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with