Kahit hanggang pelikula lang John Lloyd-Bea, Aga-Regine kapani-paniwalang in love sa isa't isa
Hindi lamang naman sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang kinakitaan ko ng napakagandang chemistry sa kanilang pagsasama para i-promote ang pelikula nilang The Mistress. Napakaganda ang nabuo nilang friendship kung kaya ni munting ilang ay walang makita sa kanila. Bagkus nagbibigay kilig sila sa marami dahilan sa kanilang closeness. Ganito ang wish ng marami na makita sa dalawang artista na kahit hindi sila sa tunay na buhay ay believable bilang love team.
Maganda rin ’yung nabuong pagkakaibigan nina Aga Muhlach at Regine Velasquez na muling binuo ang kanilang ikatlong pagtatambal sa pelikulang Of All the Things pagkatapos nitong mabinbin ng ilang taon. Wala namang naging problema sa pagsasama ng dalawa, nagkaproblema lamang sa mga iskedyul nila. ’Yung mga nakapanood sa mall tour na ginagawa nila para sa pelikula nila ay tuwang- tuwa na makakita ng isang napakagandang samahan na tulad ng nakikita sa kanila. Masaya sila, komportable at bagay na magkapareha.
I’m sure hinihintay na ng marami ang pagpapalabas ng kanilang pelikula.
Nakakalungkot!
Labis akong nalulungkot sa hindi pa pagkakasundo ng mag-amang Bembol at Dominic Roco. Dalawang taon na rin silang walang komunikasyon, bagama’t aware sila sa kalagayan ng isa’t isa. Ooperahan pala si Bembol at walang balak ang anak niya na dalawin siya. Tsk, tsk, tsk.
UH hosts close na close,
Sabay-sabay nag-aalmusal
Kakaiba ang napanood kong episode ng Unang Hirit kahapon. Nasa labas ng studio ng GMA sina Suzy Abrera at Lyn Ching-Pascual at gumagawa ng kanilang interview. Mas masaya kahit mas mahirap para sa dalawang lady host ng morning news program ng Kapuso Network. Mas napaganda ang programa, mas napalapit sa manonood.
Ewan ko kung ano ang magiging epekto nito sa mga manonood na nasanay na makita ang lahat ng host ng Unang Hirit na magkakasama sa studio na nagsisilbing parang bahay nila. Nakatutuwang makita sila na sabay-sabay na nag-aagahan at parang nag-uunahan pa sa niluluto ng mga bisita nilang mga chef.
Sana nga mas mapalakas pa ang programa sa paglabas ng studio ng ilang hosts kahit pa napatunayan na nina Arn-Arn, Monica Verallo, Love Añover, at Drew Arellano na kaya na nilang itawid ang mga kinakailangang gawain outside of GMA para sa kanilang programa.
- Latest