^

PSN Showbiz

Pelikula ni Eddie Garcia kasama ang aso, susubukan sa Oscars!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa pangunguna ni Leo Martinez ang pelikulang Bwakaw na pinagbibidahan ni Eddie Garcia para ipadala sa Oscars - Best Foreign Language.

‘Wag munang magbunyi dahil hindi pa ito pasok sa official entries. Papanoorin pa ito ng Best Foreign Language selection committee ng Oscars kung papasa kaya todo kampanya ang kailangang gawin ng mga taga-Bwakaw para mapansin ang pelikula nila.

Kapapalabas lang ng Bwakaw sa mga sinehan pero sadly, hindi ito tinangkilik ng mga manonood.

Sana nga ay mapansin ito sa America. Sana rin ay makapag-promote rin ang bidang si Eddie Garcia na namamahinga raw sa kasalukuyan.

Ces Drilon naalala sa Biktima!

Pagsamahin mo ang dalawa sa magagaling na artista ng kontemporar­yong sinema at ang isang bago ngunit mapusok na director, RD Alba sa isang pelikula at makakaasa ang kaabang-abang na magiging resulta nito.

Sa dramatic thriller na Biktima na ipalalabas sa September 19, bukas, Wednesday, tunay na makapigil-hininga ang mga kaganapan. Ang Biktima ay ginawa sa matulain pero mapanganib na probinsiya ng Bohol kung saan din nagmula sa totoong buhay ang lead actor na si Cesar (Montano). Napapanahon ang tema ng pelikula tungkol sa isang babaeng TV reporter (ginampanan ni Angel Aquino) na sa pagnanais na magtagumpay sa kanyang propesyon ay sumuong sa isang TV news coverage sa isla ng Kamandao sa Bohol.

Sa gitna ng pag-atake ng mga rebelde, naglahong parang bula si Alice de la Cruz (Angel) at pinaniwalaang namatay sa naturang pagsalakay ng mga grupong kontra sa gobyerno.

Ang asawa ni Alice na si Mark (Cesar) ay makakahanap ng bagong pag-ibig sa katauhan ng kaibi­gang matalik ni Alice na si Sandra (Mercedes Cabral). Pagkatapos ng anim na buwan ay matatagpuan si Alice ngunit hindi na siya tulad nang dati.

Ang kalupitan at trauma na dinanas niya sa pi­ling ng mga taong humalay sa kanya ay magiging dahilan upang lalong maging masalimuot ang buhay ng mag-asawang sinubok ng mga pangyayaring wala na sa kanilang kontrol.

Reunion nina Cesar at Direk RD (Alba) ang Biktima. Nagkasama na sila sa pelikulang Panaghoy sa Suba noong 2004 na nanalo ng maraming awards pero associate producer si RD sa Panaghoy samantalang direktor at aktor naman si Cesar sa naturang palabas. Ngunit ngayon sa Biktima, si RD na ang direktor ni Cesar. “Si Direk RD alam niya ’yung ginagawa niya. He is sure about his vision for the movie and masarap siyang katrabaho,” ani Cesar tungkol kay Direk ED na first time magdidirek ng isang full-length feature film. Distributed by Star Cinema Production.

Natutuwa rin si Direk RD sa pagkakataong makatrabahong muli si Cesar. “Cesar has always been a generous actor, a creative worker, a true-blue artist,” papuri ni Direk RD.

Ayon sa kanya, hindi rin matatawaran ang husay na ipinamalas ni Angel Aquino sa pelikula. “She’s amazing in this movie,” ani Direk RD.

Hindi ganoon karami ang mga pelikulang may temang psychological thriller na ginagawa sa kasalukuyan kaya hindi dapat palampasin ang Biktima.

Kasama rin sa cast si Sunshine Cruz na real-life wife ni Cesar, ang direktor-aktor na si Ricky Davao at ang British-born actor na si Philip Anthony.

Sabi nang nakapanood na sa pelikula, si Ces Drilon ang naalala nila sa pelikula.

Alden handang-handa na sa rampahan

Paiinitin ng Kapuso Stars ang nalalapit na Cosmo Bachelor Bash ngayong September 18 sa World Trade Center. ??Dalawa sa mga top leading men ng GMA 7 ang nakasama sa Cosmopolitan’s Top 10 centerfolds ngayong taon habang ipinapakita ang kanilang mga ka-machohan handang-handa na sina Alden Richards at Mikael Daez na patiliin ang mga babae.

Sobrang busy man ang schedule, ang One True Love lead actor na si Alden ay kinakaya pa rin na maghanap ng oras para mag-work-out na kitang-kita naman sa kanyang mas magandang porma ngayon.

Samantala, todo arangkada naman ang karera ni Mikael Daez lalo na ngayon sa pagganap niya bilang Carlos Miguel sa GMA Afternoon Prime na Sana ay Ikaw na Nga. Kapana-panabik ang sexy-eyed hunk sa kanyang half-naked na pagrampa.

Mas paiinitin pa ang gabi ng mga homegrown Kapuso talents at Starstruck graduates na sina Dion Ignacio, Rocco Nacino, at Enzo Pineda.

Ang iba pang mga Kapuso actors na rarampa sa kaabang-abang na event na ito ay sina Dominic Roco, Pancho Magno, Marvin Kiefer, Jay Gonzaga, Benedict Ramos, at Rey Talosig.

                                                      

ANGEL AQUINO

BEST FOREIGN LANGUAGE

BIKTIMA

BWAKAW

CESAR

DIREK

EDDIE GARCIA

MIKAEL DAEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with