Jodi matagal naghintay bago nagka-career ng bongga
Matagal-tagal na rin si Jodi Sta. Maria sa industriya pero hindi niya inakalang mabibigyan pa siya ng pagkakataon na magbida sa isang teleserye. Maituturing na ang Be Careful with My Heart ang kauna-unahang soap opera na pinagbidahan ng aktres.
“Dumating po ako sa ganung point, kumbaga tanggap ko na hanggang dito na lang ako, pang-support lang talaga. Kumbaga, lahat ng nangyayaring ito, panaginip lang sa akin hanggang ngayon. ’Yun na nag-mind set ako eh. Minsan sumasagi sa isip ko na malay mo isang araw magkaroon, makatisod ako ng role,” nakangiting kuwento ni Jodi.
Hindi naman sumama ang loob ng aktres kahit na sa tinagal-tagal niya sa pagiging artista ay ngayon lamang siya nagbida sa isang proyekto.
“’Di naman magkakaroon ng pain kung tanggap mo naman eh. ’Yung nangyari ngayon siguro po parang everything fell into place. Kumbaga ’di naman po talaga siya pinilit. God is good all the time. Sinasabi nila na a fruit tastes better and sweeter when it’s ripe and right. Good things come to those who wait,” paliwanag pa ng aktres.
Samantala, ano na nga ba talaga ang tunay na namamagitan kina Jodi at ang matagal nang nali-link sa kanya na si Jolo Revilla?
“I would say na he is someone special right now. Hanggang dun na lang po muna,” maikli pero makahulugang sagot ni Jodi.
ANDI UMARIBA ANG CAREER NANG MAGKA-ANAK
Masasabing suwerte si Andi Eigennmann dahil kabi-kabila ang kanyang mga proyekto pagkatapos niyang magbuntis at manganak. Inspired nga ba ang aktres kaya namamayagpag ang takbo ng kanyang karera ngayon?
“Inspired, I always am, not committed,” pagtatapat ni Andi.
Matagal na ring nali-link ang aktres sa anak ng dating Pangulong Joseph Estrada na si Jake Ejercito at sinasabing espesyal ngayon kay Andi ang binata.
“Jake and I have always been in one group palagi. Madalas ko po siyang nakikita. Now he’s back here in Manila. He’ll always be special to me naman. He’s my friend, just a friend, close friend. Special siya sa akin,” giit ni Andi.
Hindi pa rin handa ang aktres na muling pumasok sa isang relasyon.
“Bata pa po kami at saka may kanya-kanya pa kaming responsibilities na inaatupag and ’yung mga priorities na dapat nagpo-focus kami on,” paliwanag pa niya.
Napahanga ni Andi ang mga manonood ng kanilang seryeng Kahit Puso’y Masugatan sa napakagaling niyang pagganap bilang si Veronica. Hindi raw siya nagdalawang isip na tanggapin ang role kahit na may pagka-liberated at daring ito.
“For me, kung ano man ang project na ilalatag sa akin na kung alam mo mabibigyan ng justice, ginagawa ko ’yung craft ko. Gagawin ko po talaga siya without hesitation. All I want is to continue improving and entertain. Ginampanan ko lang po siya the best way I could and I’m so happy ’yung feedback po maganda kahit first time ko pa lang pong mag-portray ng role na medyo daring,” pagtatapos ng aktres. Reports from James C. Cantos
- Latest