^

PSN Showbiz

Richard sasamahan ni Marian sa pagbabalik ng Extra Challenge

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Nasulat namin dito sa PSN na si Richard Gutierrez ang host nang ibabalik na Extra Challenge ng GMA 7 at nabanggit naming may co-host siya. Hindi kami nagbigay ng clue sa magiging co-host ng aktor dahil hindi pa sarado that time ang negosasyon sa kinukuha ng GMA News & Public Affairs na magiging co-host ng actor.

Well, right time nang i-announce kung sino ang magi­ging co-host ni Richard dahil this Monday na naman ang pictorial at plug shoot nila at ire-report din sa 24 Oras. Ang tinutukoy naming co-host ng actor ay walang iba kundi si Marian Rivera na super excited sa bago niyang show.

Obviously, nakarating sa management ng GMA 7 at ng kanilang public affairs department ang very positive feedback nang magsama sina Richard at Marian sa Davao episode ng Pinoy Adventures. Kaya nang maisip nilang ibalik ang Extra Challenge, ang dalawa ang kinuha nilang hosts at pang-comic relief si Boobay daw.

Sa November ang start ng airing ng Extra Challenge, Saturday at Sunday, kaya walang conflict sa taping ni Ma­rian ng Temptation of Wife na November din ang airing.

Alden, big crush si Anne dahil walang nega sa katawan

Ang nabasa naming tweet na “something BIG is coming” ang agad naming itinanong kay Alden Richards nang makita sa taping ng One True Love. Maggi-guest pala siya sa Indio as the young Bong Revilla, Jr. Three days siyang magti-taping, kaya after his last taping day for One True Love sa Sept. 24, taping ng Indio ang paghahandaan.

Malaki at marami ang naitulong kay Alden ng One True Love, financially and in improving his craft. Natuto siya kina Jean Garcia, Raymond Bagatsing, Agot Isidro, Caridad Sanchez, at pati kina Rita Iringan at Benjie Paras (pagdating sa comedy) at kay Direk Andoy Ranay na inaalalayan siya sa mga madrama niyang eksena.

“Never kong in-expect na makakasabay ako sa drama sa mga binanggit kong pangalan. Salamat sa kanila. Madrama kasi ang buhay ko, kaya ’di bago sa akin ang mga drama scene,” sabi ng Kapuso actor.

Masaya rin palang ibinalita ni Alden na mabibili na niya ang pinapangarap na black Toyota Fortuner at kasama sa ibabayad niya ay talent fee sa One True Love na Sept. 28, na ang finale.

May revelation pa si Alden at ito ay ang pagkakaroon ng big crush kay Anne Curtis. Nanghihinayang ito dahil hindi pa sila nagkikita kahit pareho silang endorser ng F&H.

“Talented, beautiful, malakas ang sex appeal, professional, walang negative feedback,” ang mga rason ni Alden kung bakit crush niya ang Kapamilya actress.

Sunshine ayaw umeksena kay Cesar

May special participation si Sunshine Cruz sa Biktima bilang si Jane, head ng KVTV na nagpadala kay Alice dela Cruz (Angel Aquino) sa Kamandao Island para sa isang special assignment, pero na-kidnap ng mga rebelde.

Puwedeng-puwede pang leading lady ni Cesar Montano ang misis niya pero ang aktor mismo ang nagsabing maganda kung iba naman ang makakatrabaho niya dahil baka isipin ng tao na wala na siyang ibang gustong makasama kundi si Sunshine. Sa trailer ng movie, hindi yata nagkita ang karakter ng mag-asawa.

Nakadalawang presscon na ang Biktima pero hindi sumama sa Q&A si Sunshine at sa unang presscon na ginanap sa Belissimo Italian Restaurant nila sa may Sct. Rallos, Quezon City, nakita lang siya ng press nang ihain ang nilutong pizza. ’Tapos balik na siya sa kitchen at hindi na nagpakita uli.

Sa Sept. 19 ang showing ng Biktima sa direksiyon ni RD Alba at produced ng Alba Productions. Sabi ni Cesar, marami pa silang gagawing pelikula together ni Direk RD.

AGOT ISIDRO

ALBA PRODUCTIONS

ALDEN RICHARDS

ANGEL AQUINO

ANNE CURTIS

BELISSIMO ITALIAN RESTAURANT

BENJIE PARAS

BIKTIMA

EXTRA CHALLENGE

ONE TRUE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with