Lian maraming nadiskubre kay Paolo habang nasa Amerika kasama ni Pacman
PIK: Ipinakilala sa movie press ang anim na finalists sa X Factor Philippines. Alaga ni Martin Nievera ang unang nag-perform, at sinundan ito ng nag-iisang grupo na sa ilalim naman nang pangangalaga ni Gary Valenciano.
Pero ang pinakagusto namin ay ang finalists ni Charice lalo na si KZ Tandingan ng Digos City, Davao.
Bukod sa napakagaling niyang kumanta, maganda siya at puwede pa siyang ayusan para magmukhang star dahil meron talaga siyang X factor.
Marami pang magagaling gaya nina Gabiral Maturan, ang grupong Daddy’s Home, at si Allen Sta. Maria pero si KZ ang may dating at puwede talagang maging big star. Lalo na’t magaling magpasikat ang ABS-CBN, puwede talaga siyang sumikat basta mabigyan lang ito ng magandang break.
PAK: Sa second night ng Bench Universe na ginanap sa SM Mall of Asia Arena nung nakaraang Biyernes, napansin namin sa finale na tumabi agad si Jake Cuenca kay Lovi Poe.
Sabi naman ni Lovi, talagang magkatabi sila sa blocking na ibinigay sa kanila.
Nakabantay pa rin sa backstage ang rumored boyfriend ni Bela Padilla na si Neil Arce pero ang sabi ng young actress nasa getting to know each other pa lang sila na stage. Pero masaya siya ngayon.
Nandun din si Marian Rivera kasama ang pamilya ni Dingdong Dantes na nanood sa pagrampa ng aktor.
Pero mabilis silang umalis at hindi nagpa-interview sa media.
Si Georgina Wilson naman ay tumangging magsalita tungkol sa isyu nila ni Nora Aunor.
BOOM: Malalim ang dahilan nang hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz.
Nung una ay deretsahang sinabi ni Lian na walang third party involved sa kanilang hiwalayan pero ngayon ay parang nagdududa na ito.
Habang nasa Amerika si Paolo para sa show ng Manny Many Prizes ay may mga nadiskubre si Lian. Pero ayaw na niyang magsalita pa dahil mas gusto niyang pag-usapan nila ito ni Paolo.
- Latest