^

PSN Showbiz

Kakaibang pag-aalaga patutunayan ni Belo

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipapakita ng celebrity beauty doctor na si Dr. Vicki Belo ang tunay na kahulugan ng Salamat Dok dahil sa espesyal na programa nito sa katulad na pamagat, mapapanood sa ABS-CBN ngayon, Linggo (Sept. 16), ng 7:30 a.m., kasabay sa ANC.

Patutunayan ni Dr. Vicki na ang kakaibang pag-aalaga ng kanyang Belo Medical Group sa kanilang mga kliyente na hindi lamang basta-basta makukuha sa mga sabon ang pagpapakinis ng balat. At ganun din sa pagpapayat ng mga braso kahit walang tulong ng gym.

Sa nasabing episode rin ng medical TV program ipapakita ang galing ng Power Peel skin treatment at ng Glutathione-IV injection na madalas ginagamit ng mga celebrity.

Ang Power Peel ay hindi lang nakakapagpa-alis ng blackheads at pimples kundi pangontra rin sa age spots, maliliit na kulubot, at kahit flaking skin dahil tinatanggal ng proseso ang dead skin at nakakapagpalabas ng bagong cells at collagen sa katawan. Isa itong non-invasive at non-surgical skin conditioning, kaya nakakapagpabawas din ng stretch marks at peklat ng tigyawat.

Ang pag-i-inject ng Glutathione-IV ay mabisang makapagpaputi ng balat pero higit pa rito ay ang pagiging antioxidant na nakakatulong sa damage cells and tissues.

Smart Lipo naman galing Italy ang liposuction technique na tumutunaw sa taba na naiiwan sa mga braso kaya kung minsan ay malaking tingnan ito. Sa pamamagitan ng Smart Lipo, nahihigpitan pa ang balat at nakukurba ng maganda. Hindi rin gaanong masakit at nakakapasa dahil may post-op recovery ang Belo clinic.

Manood ng Salamat Dok para mas maintindihan ang kanilang serbisyo.

vuukle comment

ANG POWER PEEL

BELO

BELO MEDICAL GROUP

DR. VICKI

DR. VICKI BELO

IPAPAKITA

ISA

POWER PEEL

SALAMAT DOK

SMART LIPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with