Kim-Xi, Kath-Niel, Franc-Ella at Jodi-Richard, magpapakilig
MANILA, Philippines - Walang kapantay na kilig ang handog ng ASAP 2012 ngayong Linggo (Setyembre 16) sa ‘music and dance moves of the decades’ episode kung saan tampok ang tatlo sa pinakasikat na love teams sa bansa ngayon - ang KathNiel o sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng Princess and I; FranCella o sina Ella Cruz at Francis Magundayao ng Aryana; at KimXi o sina Kim Chiu at Xian Lim ng upcoming Primetime Bida teleserye na Ina, Kapatid, Anak.
Bukod sa mga sorpresang handog ng Kapamilya primetime loveteams, tuloy-tuloy ang selebrasyon sa ASAP 2012 sa grand launch ng official soundtrack ng no.1 daytime kilig-serye sa Pilipinas na Be Careful With My Heart kasama ang mga bida nitong sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap; at sa bonggang birthday bash ng Kapamilya leading man na si Jericho Rosales.
Abangan din ang non-stop suprises na inihanda nina Luis Manzano at Shaina Magdayao; at ng kinakikiligang ASAP POPables na sina Xian, Gerald Anderson, Enchong Dee, at Rayver Cruz.
Samantala, saksihan ang isa na namang world-class performance na ihahandog ng nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano kasama sina Billy Crawford, Christian Bautista, Sam Milby, at Bamboo.
Tiyak na mapapamangha muli ang lahat sa makatindig-balahibong concert experience na ihahatid nina Martin Nievera, Vina Morales, Erik Santos, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Karylle, Nikki Gil, at ng ASAP Sessionistas.
Tunghayan din ngayong Linggo ang pinakamalulupit na dance moves ng dekada sa hottest Supahdance treat ng Kapamilya leading ladies na sina Erich Gonzales, Andi Eigenmann, Bianca Manalo, Megan Young, Bangs Garcia at Venus Raj; na susundan ng makapigil-hiningang showdown nina Enrique Gil, Empress, at Khalil Ramos.
Iba-ibang kuwento ng buhay kailangan sa LIFE AND STYLE
Inaanyayahan ni Mader Ricky Reyes ang mga manonood ng kanyang GMA News TV programang Life and Style with Ricky Reyes na sumulat o mag-email ng kanilang mga problema o magbahagi ng mga nakakapagbigay ng inspirasyong karanasan.
Ngayong Sabado alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga’y tunghayan ang iba-ibang bahagi ng show tulad ng Usapang Wig na ang isang letter-sender na nakakalbo’y papayuhang gumamit ng iba-ibang hair piece o peluka. “Nakakaragdag ng ganda at tiwala sa sarili ang buhok na angkop sa hugis ng mukha,” sabi ni RR.
Kapag nagkakaedad na’y kadalasang problema natin ang pagkulubot ng mukha at pagkakaroon ng eyebag. Sa segment na Say Goodbye to Eyebag ay bisita sa show ang isang dalubhasa sa eyebag removal at pagpapakinis ng mukha na magbibigay-payo sa mga may ganitong problema.
May itatampok ding Pasan Ko Ang Kapatid Ko na kasaysayan ng mag-utol na sina George at Giovanni. Ipinanganak na may polio si George pero buong-pusong binubuhat siya ng kapatid na nagsilbing mga paa niya. Tapos na silang mag-aral sa Siquijor at lumuwas ng Maynila para maghanap ng mapapasukan.
Isang ‘di nakilalang salarin ang nagsaboy ng asido sa mukha ni Miko Banayo na ikinabulag niya. May magandang bukas pa kaya si Miko?
Maaaring sumulat sa LSWRR/ScriptoVision 2R Building, 172 Aurora Boulevard, San Juan City o mag-email sa [email protected] para sa inyong mga beauty problems at inspiring stories.
Party Pilipinas: Unli-Saya!
Ang Party Pilipinas na ang bahalang mag-reload sa mga bagay na gustong ma-browse ng viewers sa TV dahil ngayong Linggo, unlimited ang saya dito sa Party Pilipinas: Unli-Saya.
Unlimited Biritan – yan ang ihahatid ni Zendee Rose sa kanyang first live TV performance at ang VOX na magbibigay ng tribute sa mga sikat na male OPM hitmakers.
Unlimited Sayawan – makihataw sa back-to-back invasions ng Sayaw Pilipinas crew. Una, to the tune of an all jazz fusion. Sunod, sa isang musical Dolphy tribute.
Unlimited Kilig – yan ang hatid ng Keso Boys, Rhythm and Boys at ng Love Party Pilipinas. Pakikiligin rin tayo ng JuliElmo sa finale ng kanilang mini-movie, and Yellow Note.
Unlimited performances from the biggest stars - ipapasilip ni Jennylyn Mercado ang kanyang latest music video. Si Gloc 9 naman, live na ipeperform ang kanyang controversial song na matunog ngayon sa radio listeners, lalo sa mga bading, ang Sirena.
Huwang palagpasin ang Party Pilipinas: Unli-Saya ngayong Linggo (September 16) sa GMA.
- Latest