^

PSN Showbiz

Iza naalala ang nanay na bipolar!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Mamayang gabi ay muling mapapanood si Iza Calzado para sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya. Gagampanan ng aktres ang papel ng isang doktor na nagkaroon ng sakit at dumanas ng matinding depresyon. Maipagmamalaki talaga ni Iza ang istorya nito.

“Kukuwestyunin ng tao ang kakayanan niya, ’yung kredibilidad niya bilang doktor na siyang magiging motivation niya para gamutin ang sarili niya, at ipaglaban kung ano talaga ang sakit niya, kasi mami-misdiagnose pa siya, sasabihin na bipolar siya. Ipaglalaban niya na she went through depression and she can still help people,” kuwento ni Iza.

Malapit sa puso ng dalaga ang istorya ng nasabing episode dahil naranasan din ng kanyang ina ang ma-tinding depresyon noon.

“When I was young, when she was still alive. She was actually bipolar so it’s a very personal story for me. Kaya siguro ’yan ang kinamulatan ko, naiintindihan ko siya,” pagtatapat ng aktres.

“I do not think people who go through this condition are insane. I cannot call them that because I could be called insane because I may be a little weird sometimes,” giit pa ni Iza.

CARMEN SOO TUWANG-TUWANG

KASAMA ULI SI JERICHO

Matatandaang nagkasama na noon sa teleseryeng Kahit Isang Saglit sina Jericho Rosales at ang Malaysian star na si Carmen Soo. Ngayon ay muling magkasama sina Jericho at Carmen sa indie film na Alagwa at ito ay official entry ng Pilipinas para sa 17th Busan International Film Festival.

Masayang-masaya si Carmen na muli niyang nakatrabaho ang aktor.

“It was good to work with him again after four years. My scene with him is not that much, but it’s nice to get to know each other again after a break. I only have a cameo, but I am really proud of Alagwa being selected at Busan,” nakangiting pahayag ni Carmen.

Kahit abala ang dalaga sa kanyang mga proyekto sa bansang Singapore at Malaysia ay sinisikap pa rin niyang magkaroon sila ng komunikasyon ni Jericho.

“Yes, of course, we still keep in touch. I’m also very close to his manager Tita Angeli (Pangilinan-Valenciano). I always see them when I come here in the Philippines,” kwento ni Carmen.

Ayon sa aktres ay gusto niyang muling makagawa ng isang teleserye sa Kapamilya Network. Ngayon ay ginagawa ni Carmen ang pelikulang Ghost Child sa Singapore. “For me what’s more important is the role in the story. So, hopefully, it would be nice to work with the people I’ve known so far and even new ones as well,” pagtatapos ni Carmen. Reports from JAMES C. CANTOS

ALAGWA

BUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CARMEN

CARMEN SOO

GHOST CHILD

IZA

IZA CALZADO

JERICHO ROSALES

KAHIT ISANG SAGLIT

KAPAMILYA NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with