^

PSN Showbiz

Ate guy hindi kilala ang modelong si Georgina Wilson na pinaglaruan ang kanyang picture!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Patuloy na umaani ng papuri si Edgar Allan Guzman sa magaling nitong performance sa stageplay na Bona kasama si Eugene Domingo.

Ang isa sa proud na proud sa kanya ay si Nora Aunor na naging malapit na sa kanya pagkatapos nilang magsama sa Sa Ngalan ng Ina.           

Sa Sept. 23 ang last performance nila sa Bona at dinig namin sosorpresahin uli ni Ate Guy si Edgar Allan kasama ang buong cast.

Bukod sa naturang stageplay, masaya rin ang young actor sa kanyang CD Lite na na nasa Top 10 pa rin sa 103.5 Wow FM ang kanyang kantang Hanggang Dito na Lang.

Sa Sept. 22 naman ay mapapanood ang isang espeyal na episode sa Maalaala Mo Kaya na kung saan gaganap si Edgar Allan bilang isang bading na seaman.

PAK: Natawa na lang si Nora Aunor nang nakarating sa kanya ang ginawa ni Georgina Wilson na ipinoste nito sa kanyang Twitter account ang sexy picture niya na pinalitan ng kanyang mukha.

Nagalit dito ang Noranians kaya tinira ng husto ang model. Kaagad namang tinanggal ito ni Georgina.

At least, kahit paano ay sumeksi naman siya sa ginawa ni Georgina.

“Kung masaya sila sa pang-iinsulto sa ibang tao, wala na po akong magagawa dun. Hindi ko na lang po pinapansin iyon, kung ’yun ang nakakasiya sa kanila,” pahayag ng Superstar.

Nang tinanong namin kung kilala ba niya si Georgina Wilson, bumaling ito sa katabi niya at nagtanong din, “Kilala ko ba si Georgina Wilson?”

BOOM: Ayaw pa rin ni Paolo Contis magsalita tungkol sa hiwalayan nila ni Lian Paz. Mangiyak-ngiyak na kinumpirma ito ni Lian nang humarap ito sa ilang movie reporters nung isang gabi.

Hindi alam ni Lian kung gaano kalalim ang pinagdaanan ni Paolo kung bakit ito nag-decide na makipaghiwalay sa kanya.

Pero bukas pa rin ang puso niya para sa aktor dahil mahal na mahal pa rin niya ito.

Sa ngayon ay deretsahan niyang sinasabi na si Paolo na ang huling lalaki sa buhay niya.

Umaasa pa rin siyang magkakaayos sila at mabalik ang dating magandang samahan.

Nakaalis na patungong Amerika si Paolo kahapon para sa show ng Manny Many Prizes at doon siya mag-iisip ng mabuti kung final na itong desisyon niyang makipaghiwalay.

vuukle comment

ATE GUY

EDGAR ALLAN

EDGAR ALLAN GUZMAN

EUGENE DOMINGO

GEORGINA

GEORGINA WILSON

HANGGANG DITO

NORA AUNOR

SA SEPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with