^

PSN Showbiz

R-18 version ng The Healing ni Ate Vi, mapapanood na sa TV

- The Philippine Star

MANILA,Philippines - Ang mainit na pinag-usapang R-18 version o director’s cut ng blockbuster suspense-horror film ng Star Cinema na The Healing ay ipalalabas na sa TV sa pamamagitan ng SKYcable Season Pass. Ito ang kauna-unahang pagpapalabas sa telebisyon ng first suspense-horror film ni Star for All Seasons Vilma Santos matapos itong mapanood sa mga sinehan kamakailan.

Mula September 15 hanggang October 7, puwede nang ma-enjoy ng SKYcable subscribers ang director’s cut ng The Healing sa pay-per-view service ng SKYcable Season Pass sa halagang P199 para sa tatlong araw na panonood at P299 para sa pitong araw na access.

Bukod sa behind-the-scenes footage, bahagi rin sa pay-per-view subscription ng The Healing: Director’s Cut sa SKYcable Season Pass ang tatlo pang blockbuster horror films ng Star Cinema na T2, Sukob, at Feng Shui.

Obra maestra ng Master of Horror ng Philippine cinema na si Chito S. Roño, ang The Healing ay tungkol sa malalim na pananalig ng mga Pilipino sa mga faith healer. Iinog ito sa karanasan ni Seth (Vilma) at ng mga taong inakay niyang magpagamot sa faith healer na inakala niyang naghimala.

Mag-log on lamang sa www.mysky.com.ph o tumawag sa SKYcable Customer Service Hotlines 381-0000 (Metro Manila, CAMANAVA at Rizal), 520-8560 (San Pedro, Laguna), 049-53428 (Laguna), 046-4844701 (Cavite), at 044-6935877 (Bulacan).

Album ni Julie Anne San Jose, nanguna sa weekly sales chart

Nanguna sa listahan ang debut self-titled debut album ng Kapuso pop star na si Julie Anne San Jose sa weekly sales chart ng Astroplus at Astrovision mula September 3-9, 2012.

Walang tigil na pinakikita ni Julie Anne ang kanyang pagiging versatile. Matapos ang love team movie nila ni Elmo Magalona na Just One Summer at youth-oriented series na Together Forever, patok naman ngayon sa mga record bars ang kanyang album. Sa kanyang single na I’ll Be There, nabighani tayo ng boses ni Julie Anne at maging ang kanyang renditions ng Bakit Nga­yon, at Let Me Be The One. Sa 11-song collection ding ito kasama ang mga kantang isinulat din niya tulad ng Baby U Are at When You Said Goodbye.

Kinilala rin sa international music industry ang mga kanta ni Julie Anne nang makapasok ito sa Top Albums ng iTunes Taiwan, Macau, Singapore, Hongkong, Thailand, at Malaysia.

Mabibili ang kanyang album na Julie Anne San Jose sa inyong mga paboritong music outlets nationwide o maaaring i-download sa iTunes. Mag-log on lamang sa http://itunes.apple.com/ph/album/julie-anne-san-jose/id548177622?1s=1. Maging updated sa mga activities at schedules ni Julie Anne. I-check ang @GMARecords sa Twitter at GMA Records sa Facebook.

TV5 n aghahanap ng magka-partner na pagbibigyan ng milyones

Sugod na mga Kapatid sa auditions para sa pinakabagong game show ng TV5—ang The Million Peso Money Drop! Pumunta lang sa TV5 Broadway sa darating na Linggo, Setyember 16. Magsisimula ang registration sa ganap na ika-siyam ng umaga (9:00AM).

Bukas ang auditions sa lahat ng pares ng magkakakilala. Maaring magkasamang mag-audition ang magkaibigan, magkamag-anak, magkapit-bahay, magkaklase, at iba pa na may edad 18 hanggang 60 years old.

Kailangan lamang magdala ng mga sumusunod: Dalawang (2) valid IDs, isang (1) 2x2 picture ng kanilang sarili, original NBI clearance, birth certificate, at medical certificate. Magdala rin ng kopya ng inyong mga resumé.

Huwag nang mag-atubili! Humanap ng kasama at pumunta na sa The Million Peso Money Drop auditions sa TV5 Broadway itong Linggo.

ALL SEASONS VILMA SANTOS

ANNE

BABY U ARE

JULIE

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

SEASON PASS

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with