^

PSN Showbiz

Pagkapanalo ni Aiza, binabahiran ng intriga

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Huwag na sanang intrigahin si Aiza Seguerra dahil lang napili itong Recording Artist of the Year sa katatapos na Star Awards for Music. She worked hard to be where she is right now. Karapat-dapat lang siya sa pagkilalang tinanggap niya. After all, she will be celebrating her 25th year in showbiz at kahit bata pa siya, malayo na ang narating niya. At sa ipinakikita niyang enthusiasm, hindi siya titigil ng pag-isod, kaya alam mong darami pa ang tropeo at parangal na tatanggapin niya para sa kanyang talento.

Congratulations, Aiza. Ako hinhintay ko na lamang ang panahon na mabigyan mo ng apo ang parents mo. Hindi ba ito ang ipinangako mo sa kanila? I’m sure ang pagkakaroon ng anak ang magi­ging kaibuturan ng tagumpay mo.

Extra challenge bagay kay Richard

Welcome sa akin ‘yung pagbabalik ng Extra Challenge. Dito unang nasabak bilang host si Richard Gutierrez. At kung puwedeng magbigay ng opinyon, dapat mas marami pang programang hino-host si Chard, dahil talagang magaling siya sa trabahong ito. Kaya lang, baka magkaagawan pa sila ng kakambal niyang si Raymond sa mga proyekto.

Tanggapin nating magaling din sa trabahong ito ang kapatid ni Richard. At simula nang pumayat ito ay halos wala na silang pinagkaibahang dalawa. Ang magagawa nila para hindi sila maapektuhan ay mag-stick sa showbiz si Raymond at si Richard naman, ay dumako sa mga programang non-showbiz o ‘yung public affairs.

Maganda ang Pinoy Adventures niya, at ang Survivor, kapag naibalik niya sa mainstream ang Extra Challenge, wala na siyang panahon pang umarte. All the Gutierrrez children ay makikilala na bilang hosts, na kung saan talaga sila nag-i-excel.

Paulo hindi na dapat makipagsabong kay Coco

Hindi naman ako maniwalang may tensiyon na nagaganap sa pagitan nina Coco Martin at Paulo Avelino. Magkaiba naman ang roles nila sa Walang Hanggan. Kahit pareho silang magaling, bida ang una at kontrabida naman ang ikalawa. Hindi naman siguro inaakala ni Paulo na natatabunan na ng role niya si Coco. Baka kung hindi pa bad ang character niya.

I’m sure ginagawan lang sila ng promo para sa serye nila na malapit nang mag-end. Kung sa panahon ngayon kakalabanin ni Paulo si Coco na siyang flavor of the month ng istasyon at maging ng mga suki nito, aba hindi lang siya magiging konbtrabida sa TV kundi baka maging sa tunay na buhay. At this point na gumaganda ang kanyang career, it’s best not to antagonize the televiewers.

AIZA SEGUERRA

ALL THE GUTIERRREZ

COCO MARTIN

EXTRA CHALLENGE

NIYA

PAULO

PAULO AVELINO

PINOY ADVENTURES

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with