^

PSN Showbiz

Paolo Contis at Lian Paz, hiwalay na?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Ayon kay Nora Aunor, pipilitin niyang kumanta sa taping ng Dolphy Alay Tawa, A Musical Tribute to the King of Comedy na gaganapin sa SM MOA Arena sa September 19.

Dito magsasama ang mga talents ng ABS-CBN 2, GMA 7, at TV 5 para sa isang malaking project bilang pagpupugay at pag-alala kay Dolphy.

Isa si Nora sa mag-represent sa TV5 at kahit daw paputul-putol ang pag-record niya, gagawin daw niya ito para makakanta siya sa naturang event para kahit papano ay may naiambag naman daw siya sa malaking project na ito para sa Hari ng Komedya.

PAK: Nagpa-presscon si Gov. ER Ejercito para kay Nora Aunor bilang selebrasyon sa magandang resulta nang pagsali ng pelikula niyang Thy Womb sa Venice International Film Festival.           

Doon na rin nilinaw ni Gov. ER na si Nora Aunor ang talagang leading lady niya sa El Presidente na entry nito sa Metro Manila Film Festival.

Kasama rin daw si Cristine Reyes, pero mas maraming eksena raw sila ng Superstar dahil siya ang gaganap na Maria Agoncillo, ang second wife ni Emilio Aguinaldo.

Wala raw silang kissing scene ni Cristine, pero meron daw sila ni Ate Guy.

BOOM: As of presstime, itutuloy daw ni Lian Paz ang pagharap niya sa movie press.

Sasabihin kaya niya ang pinagdaanan nila ngayon ni Paolo Contis?

Nung huling nakausap namin si Lian, umiiyak ito sa malungkot na kahihinatnan ng pagsasama nila ni Paolo.

Pero hindi pa niya masasabing talagang hiwalay na sila.

Tahimik naman si Paolo sa isyung ito. Hihintayin lang daw niya ang mga sasabihin ni Lian.

Nakatakda siyang umalis patungong Amerika para sa palabas doon ng Manny, Many Prizes. Kaya maiiwasan nito ang pangungulit ng mga reporters.

vuukle comment

A MUSICAL TRIBUTE

ATE GUY

CRISTINE REYES

DAW

DOLPHY ALAY TAWA

EL PRESIDENTE

EMILIO AGUINALDO

KING OF COMEDY

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with