^

PSN Showbiz

Tension kina Coco at Paulo lumalala?

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nilinaw kamakailan ng multi-awarded actor na si Coco Martin na taliwas sa mga karakter nila sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Walang Hanggan, malayo sa pagiging magkaribal ang turingan nila ng co-actor niya na si Paulo Avelino sa tunay na buhay.

 “Wala namang kompetisyon sa pagitan namin ni Paulo,” ani Coco. “Basta para sa amin, masaya kami dahil nagagampanan namin nang tama ang mga karakter namin at dahil nagugustuhan ng mga manonood ang takbo ng aming kuwento.”

 Sa katunayan, ayon kay Coco, madalas silang nagtutulungan ng kanyang co-actor sa set ng Walang Hanggan. Aniya, “Tuwing taping, lagi ka­ming nagbibigayan ng payo ni Paulo kung paano namin gaga­wing mas maganda ang mga eksena namin.”

Samantala, sa kabila ng magandang samahan nina Coco at Paulo, patu­loy namang tumitindi ang tension sa pagitan ng kanilang mga karakter sa Walang Hanggan ngayong handa na si Nathan (Paulo) na isakatuparan ang kasunduan nila ni Katerina (Julia Montes). Mapipigilan pa ba ni Daniel (Coco) ang muling pagpapakasal nina Nathan at Katerina? Paano niya ipaglalaban ang kanyang pag-ibig kay Katerina ngayong nagdesisyon na itong lumayo sa kanya? Ano ang gagawin ni Nathan kapag nalaman niya na nagdadalang-tao ang kanyang asawa?

Huwag palampasin ang sunod-sunod na makapigil-hiningang eksena sa top-rating Primetime Bida teleserye na Walang Hanggan gabi-gabi, pagkatapos ng Princess and I sa ABS-CBN.

ANIYA

COCO MARTIN

JULIA MONTES

KATERINA

NATHAN

PAULO

PAULO AVELINO

PRIMETIME BIDA

PRINCESS AND I

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with