ABS-CBN mas palalawakin at palalakasin pa sa higit sampung probinsiya
MANILA, Philippines - Mas marami pang Pilipino ang maaabot ng ABS-CBN bunsod ng pagpapatayo nito ng higit sa sampung bagong relay station at pagpapalawig ng coverage sa telebisyon at radyo sa mga regional station nito sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ipinahayag ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) head na si Louis Benedict Bennett na magpapatayo ng bagong TV stations sa mga lugar tulad ng Oriental Mindoro, Davao Oriental, Antique, at Negros Occidental at kasalukuyan na ring pinapalakas ang TV power at signal sa mga istasyon sa Tacloban, Dagupan, Baguio, Bacolod, at Cagayan de Oro.
“Ang ABS-CBN ang unang TV network na magtatayo ng mga istasyon sa mga lugar na ito at mag-eere ng mga lokal na programa. Hindi pa ito nagagawa ng ibang TV network,” sabi ni Bennett.
Lumilikha at nagpapalabas ang ABS-CBN RNG ng mga lokal na programa tulad ng newscasts, morning programs, game shows, at mga programang naghahatid ng serbisyo publiko tampok ang mga pangyayari sa kani-kanilang rehiyon.
Ipinagmalaki rin ni Bennett na ang pinakabagong istasyon ng ABS-CBN RNG sa Palawan ay nagpapalabas na ng sarili nitong bersiyon ng TV Patrol at Mag TV Na.
- Latest