^

PSN Showbiz

MMFF nakatikim ang malakas na sampal!

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Itinuturing na isang mariing sampal ang tinanggap ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa ginawa nilang pagtanggi sa Thy Womb ng nagbabalik pelikulang Superstar at maging sa director nitong ilang ulit na ring nagbibigay ng dangal sa bansa (Brillante Mendoza) sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula. Pumasa naman sa criteria na hinihingi ng MMFF ang pelikula pero bakit nila tinanggihan ito?

Mabuti na lang ang nakabawi sila Venice International Film Festival.

Paula ka-level ni Solenn sa kantahan

Siyempre hindi maaaring pagtaasan ng kilay ng maraming tagahanga ni Solenn Heussaff ang pakikipagsabayan dito ng isang baguhang singer na tumutugon sa pangalang Paula Bianca. Sabay silang nabigyan ng nominasyon sa katatapos na 4th Star Awards for Music at sabay ring nanalo bilang new female recording artists.

Naging isang malaking sorpresa sa nagtataguyod ng nasabing music awards ang biglang pag-arangkada ng music career ng pamangkin ng Megastar. Masaya na itong regular na nagpapasaya sa mga dumadayo at kumakain sa restaurant ng kanyang ama sa seaside ng Macapagal Avenue pero nagbago ang lahat nang mag-record siya ng isang album sa Viva Records. Nahati na ang kanyang panahon sa pagkanta sa kanilang restaurant, promosyon ng kanyang album, at paglabas sa mga proyekto na nakukuha ng Viva para sa kanya.

“It was an honor na mabigyan ng nomination sa Star Awards together with the other nominees na marami ay mas kilala kesa sa akin. Nakaka-pressure nga na because of this award mas kailangan kong ipakita na deserving ako sa award at naka-tie ko pa ang isang napakahusay ding singer at kilalang personalidad sa TV tulad ni Solenn,” sabi ng bagong singer matapos niyang tanggapin ang kanyang award kagabi sa Meralco Theater sa Ortigas, Pasig City.

Yeng kayang makipagbiritan kahit rocker

Napahanga naman ako ni Yeng Constantino nang kantahin nito ang Dahil sa Iyo sa ASAP kahapon kasama nina Angeline Quinto, Marcelito Pomoy, at Jovit Baldevino. Hindi bale na ’yung tatlo, talagang kumakanta sila ng mga ganitong uri ng songs, pero si Yeng ay isang rocker at kahit medyo na-challenge sa mataas na tono ng song, aba, naitawid niya ng maganda ang kanyang performance.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

BRILLANTE MENDOZA

JOVIT BALDEVINO

MACAPAGAL AVENUE

MARCELITO POMOY

MERALCO THEATER

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PASIG CITY

PAULA BIANCA

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with