Magaling na aktres lumayas na sa kanilang bahay, iniwan ang asawa't mga anak
Nalungkot kami sa narinig namin sa radio na umalis na sa bahay nila ng kanyang pamilya ang isang magaling na aktres at nagsasarili na ito ng bahay. Naiwan sa bahay nila ang mga anak at asawa pero gaya sa kaso nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon, libre naman sigurong madadalaw ng kanyang mga anak ang aktres sa bago nitong bahay.
Matagal nang natsitsismis na hiwalay na ang showbiz couple pero ang alam ng lahat, sa iisang bahay pa rin sila nakatira. Ngayong umalis na sa family house nila sa may Quezon City ang aktres, sumunod na kaya ang pag-amin nila ng ex-husband na matagal na silang estranged couple?
BOYET SANAY NANG MAGING GOBERNADOR
Isa sa mga rason ni Christopher de Leon kung bakit tinanggap ang Luna Blanca ay dahil nami-miss na niyang maging mabait. Mabait dito si Luis, ang karakter na kanyang ipo-portray na ginampanan ni Raymart Santiago sa Book One and Two. Welcome project nga ang tawag niya sa Luna Blanca na this Monday na ang start.
Ang Captain Barbell ang last project ni Boyet sa GMA 7 and up to now, hindi pa niya makalimutan kung paano pinatay ang kanyang karakter. Iyon daw ang pinaka-memorable na death scene niya dahil inihagis siya sa araw ni Capt. Barbell.
Ang alam ni Boyet, one season ang Book Three ng Luna Blanca at kung mai-extend man, baka umabot sa December, ligtas pa rin siya sa campaign ban na magti-take effect sa March.
Desidido na ang actor-politician na tumakbong congressman sa second district ng Batangas.
“Politics is a different world at gusto ko, ang sarap nga. Sa legislative ako, gumagawa kami ng batas, ordinansa, at resolutions,” sabi ni Boyet.
Naikuwento rin nito na dahil senior board member siya, ’pag wala ang vice governor, siya ang nagiging vice governor, at kung parehong wala ang vice governor at governor, siya muna ang governor.
PAGDUDUDA SA PAGBIBIDA NI KYLIE IPINAGTANGGOL NI DINGDONG
Kung matutuloy, this Monday na ang storycon ng Haram, ang bagong soap ni Dingdong Dantes kapareha si Kylie Padilla at kasama rin sa cast si Alessandra de Rossi. Dapat sa Temptation of Wife kasama si Alex pero nag-back out ito at hindi niya kaya ang mga kissing scene nila ni Dennis Trillo.
Si Maryo J. delos Reyes ang director ng Haram at excited si Dingdong dahil first time niyang makakatrabaho si Direk Maryo at looking forward siyang makasama si Kylie. Again, kundi mababago ang schedule, sa Sept. 10, na ang first taping day ng Haram.
Ipinagtanggol ni Dingdong si Kylie sa mga nagdududang makakaya nito ang magbida sa primetime soap. Sabi ng aktor: “She’s a good actress, I’ve watched her in The Good Daughter. GMA 7 is very confident na kaya niya at ’di malayo sa kanya ang role niya dahil Muslim siya.”
Samantala, idinepensa rin pala ni Dingdong ang pagkakapili kay Lovi Poe na leading lady niya sa Tiktik: The Aswang Chronicles na showing sa Oct. 17 at kung saan, isa si Dingdong sa mga producer through his AgostoDos Productions.
REQUEST PARA SA MAGPAKAILANMAN NI MEL TIANGCO DININIG NG GMA
Sa November na ang malaking pagbabalik sa ere ng Magpakailanman, isa sa mga sinubaybayang shows ng GMA 7. Marami ang nagulat nang biglang itigil ng network ang drama anthology na hino-host ni Mel Tiangco gayong mataas ang ratings at magaganda ang istoryang napapanood every week.
Nakinig ang network sa request na ibalik ang Magpakailanman at nangako ang mga taong nasa likod ng drama anthology na muling maghahandog ng inspirasyon, kasiyahan, at pag-asa ang mga isoryang mapapanood.
- Latest