^

PSN Showbiz

Ginawa lang dahilan nang hindi umangat sa survey sa pagka-senador Alma nagsinungaling sa sakit

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Nasa pangalawang linggo pa lang ang Sana ay Ikaw na Nga, mainit na ang mga pangyayari sa kuwento nina Carlo Miguel (Mikael Daez) at Cecilia Fulgencio (Andrea Torres).

Nakuha na ni Olga (Chynna Ortaleza) ang mukha ni Cecilia at ang totoong si Cecilia naman ay napadpad sa isang lalawigan na kinupkop ng isang mag-ina.

May amnesia na kasi si Cecilia kaya pansamantalang inalagaan na muna ito ng mag-ina.

Patuloy na tutukan ang mga pangyayari sa GMA afternoon prime pagkatapos ng Hindi Ka Na Mag-iisa.

PAK: Totoo kayang hindi naman talaga ang sakit ang tunay na dahilan kung bakit hindi na itutuloy ni Alma Moreno ang pagtakbo bilang senador sa darating na 2013 elections?

Pinayuhan ang actress/politician na huwag nang ituloy ang pagtakbo bilang senador dahil hindi pa rin ito umaangat sa survey at baka magkaproblema pa sa budget.           

Mabuti na rin ’yun para makapagpahinga na rin si Alma at maiwas sa stress at pagod sa pangangampanya.

Pero tuloy pa rin ang pagtakbo niya bilang konsehal ng Parañaque dahil may isang term pa siya.

BOOM: Napagod na si LJ Reyes sa kasasagot sa isyung hiwalay na sila ni Paulo Avelino, kaya ayaw na lang niyang magsalita.

Kaya sa presscon ng Aso ni San Roque na magsisimula na sa GMA Telebabad ngayong araw, hindi na lang umimik ang aktres.

Akala tuloy ng iba ay totoong hiwalay na sila dahil hindi na lang ito nagsalita.

Nakikisama na lang kasi si LJ sa utos ng ABS-CBN 2 na hindi puwedeng magsalita si Paulo tungkol sa relasyon nila ni LJ at sa kanilang anak na si Aki.

Pero sa totoo lang, walang problema ang dalawa at maayos ang kanilang relasyon.

Hindi lang talaga puwedeng i-open sa publiko ang kanilang relasyon kaya wala silang sagot tungkol sa isyung hiwalayan.

Tinitiyak lang ng aming source na masaya ang batang si Aki dahil kasama nito ang mommy at daddy niya.

AKI

ALMA MORENO

ANDREA TORRES

CARLO MIGUEL

CECILIA

CECILIA FULGENCIO

CHYNNA ORTALEZA

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with