^

PSN Showbiz

Erich sinisikreto ang karelasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Ngayong linggo ay patapos na ang shooting ng pelikulang Suddenly It’s Magic nina Erich Gonzales at ang Thai heartthrob na si Mario Maurer. Hinding-hindi makakalimutan ni Erich ang kanyang karanasan sa nasabing pelikula dahil marami siyang napuntahang lugar sa bansang Thailand. Marami kinunang eksena sa Thailand pero may mga kinunan din silang mga eksena sa Ilocos.

“We were shooting everyday pero kahit gano’n magagandang places ang pinupuntahan namin so libreng ikot na rin. Every time I go there, trabaho rin. So, parang libreng pasyal na. We also shot here in Ilocos,” nakangiting pahayag ni Erich.

Sobrang inalagaan ni Mario si Erich noong panahon na nasa Thailand ang kanilang grupo.

“Dinalhan ako ni Mario ng upuan noong nandun ako. Basta inalagaan niya ako. Ako rin inalalayan ko siya. I met his girlfriend, Gubgib. She’s such a sweetheart. I had good company tapos palaging masasarap ang pagkain sa set. So, kahit work, it didn’t feel like work at all,” kuwento ng dalaga.

Pagkatapos ng pelikulang ito ni Erich ay isang indie film naman ang kanyang gagawin na ididirek naman ni Richard Somes. “When he told me about the project, without thinking twice I said ‘Yes, Direk I’ll do it with you,’ Ang alam ko ako pa lang ’yung nasabihan. Balitaan ko kayo, it’s not horror but I assure you that it’s a promising film,” saad ni Erich.

Ngayon ay masaya ang aktres sa kanyang love life.

“Masaya ang buhay. I’m just enjoying right now. Nasa right age naman na ako. He’s a very private person. Basta let’s keep it that way na lang,” makahulugang pahayag ng young actress.

JOHN LLOYD dedma

kahit mabaliw kay ANGELICA

Kahit nagkahiwalay kamakailan sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao ay aminado naman ang aktor na masaya siya sa kanyang buhay pag-ibig ngayon. Si Angelica Panganiban ang napapabalitang bagong karelasyon ng aktor.

“Parang nakikita naman nung tao ’yun eh. Parang hindi naman issue or big deal. Parang hindi naman din tanga ang mga tao. Makikita nila kung anong nakikita nila at hindi naman sikreto iyon,” pahayag ni John Lloyd.

Samantala, sa Sept. 12 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikula nila ni Bea Alonzo na The Mistress. Medyo sensitibo ang tema ng nasabing proyekto dahil tumatalakay ang kuwento nito sa pagiging isang kabit. Pero naniniwala si John Lloyd na isang magandang pelikula ang kanilang ginawa.

“Si Inang (Direk Olive Lamasan) at si Vanessa (Valdez, writer) want to tell a story. Hindi naman namin sinasabi na sinusuportahan ng pelikula ang pagkakaroon ng affair. It’s just a story. It’s just a movie na feeling namin nagawa sa magandang paraan, that was shot beautifully. This movie celebrates our (John Lloyd-Bea love team) ten years in the business and sa marami pang dahilan kung ano’ng meron ang pelikulang ito, sana hindi siya palampasin,” giit ng aktor.

                                                                Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BEA ALONZO

DIREK I

DIREK OLIVE LAMASAN

ERICH

ERICH GONZALES

ILOCOS

JOHN LLOYD

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with