^

PSN Showbiz

Aktres, mahilig manulot ng boyfriend ng kapwa artista

- The Philippine Star

MANILA, Philippines – Consistent pala talaga sa pagiging mang-aagaw ang isang magandang actress na may boyfriend sa kasalukuyan. ‘Nakuha’ rin pala niya ang naging karelasyon ng kapwa niya aktres na nakasama niya sa isang programa noong nasa kabilang channel pa siya. Huli na nang madiskubre ng aktres na ‘natikman’ ng sexy actress ang kanyang karelasyon.

Wala nang ginawa ang naagawang aktres. Ipinaubaya na lang niya sa Diyos ang ginawang panunulot ng kapwa niya aktres.

Pero ang siste, ngayon balitang magkakasama sa isang programa ang dalawang aktres – ang mang-aagaw at ang inagawan. Hindi pa raw alam ng mang-aagaw na makakasama niya ang dating inagawan ng lalaki.

May karelasyon na ngayon ang mang-aagaw na aktres at hiwalay na ang inagawang aktres sa dating karelasyon kaya wala nang isyu sa huli.

“Kaya lang talagang makati ang mang-aagaw na aktres na ‘yan. Basta magustuhan niya, nakukuha niya,” sabi ng source.

Kung sabagay sa hitsura pa lang ng mang-aagaw na aktres, mukhang malandi na talaga.

Jessica ikinakampanya si Obama

Kumanta pala ni Jessica Sanchez sa Democratic National Convention sa North Carolina sa Amerika.

At in fairness, naaliw daw ang mga nasa convention ng grupo ni US President Barrack Obama.

 “Thank you so much for having me @demconvention. It was an honor to perform tonight,” sabi niya sa kanyang Twitter account.

Kaya lang, hindi pa naman nakakaboto si Jessica bilang undeage pa siya.

Sen. Sotto mukhang kawawa na

Nakakaawa na si Sen. Tito Sotto. Grabe ang inaabot niyang lait sa social networking sites.

Eh kung tutuusin kanya-kanya lang naman ‘yang opinion. Nagkataong anti-RH Bill siya. Wala tayong magagawa. Relihiyoso siya at takot sa Diyos kaya ayaw niya sa nasabing bill.

Ang kaso mo ginagamit ng mga taong nakiki-ride sa issue ang mga sinasabi niya kaya ayan, lait to death ang inabot niya.

Robin Padilla at Cristine Reyes, nagkaroon din ng ‘Perfect Sunday’?

 Tulad ng kumakalat na isyu tungkol kina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban dahil sa kanilang litrato sa Instagram na may caption na Perfect Sunday, mayroon din kakalat na litrato tulad nito sina Cristine Reyes at Robin Padilla sa Toda Max ngayong Sabado (September 8). Darating si Diane (Valerie Concepcion), ang kasinta­han ni Tol (Robin) upang magkaayos na sila ngunit imbis na magkabati, lalong gugulo ang kanilang sitwasyon dahil sa kumalat na litrato. Samantala, tuluyan nang titira si Joy (Cristine) sa Beverly Gil St. at makakasama na niya ang pamilya ng programa ng mas matagal-tagal. Ang pagiging malapit kaya ni Joy kay Tol ang maging dahilan upang tuluyan nang maghiwalay ang magkasintahan? Alamin ngayong Sabado (September 8) sa ABS-CBN. (SVA)

vuukle comment

AKTRES

ANGELICA PANGANIBAN

BARRACK OBAMA

BEVERLY GIL ST.

CRISTINE REYES

DEMOCRATIC NATIONAL CONVENTION

DIYOS

NIYA

PERFECT SUNDAY

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with