^

PSN Showbiz

Paul Salas at Dominic Roque itsa-pwera na kay Ella Cruz!

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

May dapat palang kainsekyuran sina Paul Salas at Dominic Roque sa pagpasok sa Aryana ng isang bagong character na gagampanan ni Francis Magundayao. Bukod kasi sa makakalaban nila ito sa pagtatangi ni Ella Cruz, mukhang mas papaboran pa sa istorya ang magiging friendship nilang da­lawa. Kung nagawang itulak ng pagdating ni Hubert (Dominic) ang friendship nina Aryana (Ella) at Marlon (Paul), ngayon dalawa na silang masasakripisyo sa pagdating ni Adrian (Francis) sa buhay ng batang sirena. Pinakakawawang lalabas si Marlon na hindi makapag-aral sa pinapasukan nina Aryana at Hubert dahil sa kahirapan kaya limitado ang oras na makasama ang kababata at mabigyan ng tsansa na mapalawig pa ang pagkakaibigan nila. Sa pagpasok ni Adrian sa kuwento, pagsamantalang maiitsapwera sina Marlon at Hubert. Hindi kataka-taka kung ma-insecure sila.

Pero sa kabila ng malinaw na pagtutulak ng network sa tandem ng da­lawa, aware sina Ella at Francis na bahagi lamang ito ng ginagawa nilang serye. Walang dapat mabuong romansa. Lubhang napakabata nila para rito. 

MMK may Grandparents Day

May grandparents day pala! And to celebrate it, gumawa ang Kapa­milya Network ng isang natata­nging episode sa Maalaala Mo Kaya tungkol sa tatlong lola na pinagbubuklod ng kanilang pagmamahal sa kanilang apo. Maraming kayang isakripisyo ang tatlong matanda para sa minamahal nilang bata. Pero ano ang gagawin nila kapag, bigla ay nawala ito sa piling nila?

Gumaganap ng tatlong lola sina Coney Reyes, Boots Anson Roa, at Pinky Marquez. Makakasama nila sa episode na dinirek ni Darnell Villaflor sina Biboy Ramirez, Karel Marquez, Ryan Ramos, at Justin Gonzales. Isama ang mga lola’t lolo sa panonood bukas ng gabi.

Kuwento ni Pepito, totoo!

Isa sa pinakapaborito kong palabas ng GMA7 ang Pepito Manaloto. At hindi lamang ako ang may paborito rito, marami kami. Kaya nagtaka ako nang bigla ay winakasan ang masayang palabas na katwiran ng mga nakakaalam ay ginawa nila habang mataas pa ang ratings ng show, habang marami pa ang nanonood dito. Sa unang kaisipan ano pa ang magagawa naming manonood kundi ang maghintay na lamang na magkaroon ito ng sing-sayang kapalit.

Hindi naman gaanong nagtagal ang ipinaghintay ko. Sa September 16, hindi pinalitan kundi ibabalik ang Pepito Manaloto. Tunay na kuwento ito ng isang karaniwang pamilya na nanalo ng P700M sa lotto.

Ang kuwento nila ay ginawang TV show ng isang network pero ayaw ipa­labas ng pamilya dahil hindi ito makatotohanan. Sa halip gusto nilang ipakita ang tunay na nangyayari sa buhay ng mga Manaloto na kukunan ng isang camera crew ng buong araw at buong linggo.

Andun pa rin ang pamilya Manoloto na binubuo ng mag-asawang Pepito at Elsa, ang mga anak nilang sina Chito at Clarissa, ang mga kasambahay na sina Patrick, Maria, Robert, at Baby, ang raketerong kapitbahay na si Tommy at ang mga bagong kapitbahay na sina Deedee at Mimi.

Kabilang sa all-star cast sina Michael V, Manilyn Reynes, Angel Satsumi, Jake Vargas, at sina John Feir, Ronnie Henares, Mosang, Janna Domin­guez, Arthur Solinap, at ang bagong karagdagan sa cast na sina Jessa Zaragoza at Nova Villa.

Star awards for music mas pinabongga

Star Awards for Music na sa Linggo. Magaganap ito sa Meralco Theater. Talagang pinapaganda ito sa pagtutulugan ng Airtime Marketing at PMPC.

Kung inaakala n’yo na masaya’t maganda na ‘yung mga palabas ng mga networks na napapaood  tuwing Linggo, wait until you see yung Star Awards for Music.

Opening number pa lamang, bongga na. Itatampok dito ang orihinal na komposisyon ni Boy Christopher ng theme song ng Star Awards for Music at ang mga nominadong Songs  of the Year na kakantahin ng mga orihinal na kumanta nito, tulad nina Bamboo, Jed, Christian, Yael, Sam Juris, Erik, at Ryan C Singers.

May tribute rin kina Jose Mari Chan sina Zia Quizon,Yeng Constantino, Angeline Quinto at Christisn Bautista at sa mga Natatanging Alagad ng Musika Awardees at ang mga anak ng mga music icons na sina Robin Nievera, Isabela, Karylle, Paolo Valenciano,  at marami pang iba.

Dalawa lamang ito sa mga mapapanood na musical numbers pero, bongga na. Ano pa kaya kung kabuuan na ng awards presentation?

ADRIAN

ARYANA

HUBERT

MARLON

NILA

PEPITO MANALOTO

SINA

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with