^

PSN Showbiz

Joey Marquez natuwa nang umurong si Alma sa pagka-senador

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Kasama naming nanood ng trailer at behind-the-scenes ng Tiktik: The Aswang Chronicles si Joey Marquez na gumaganap bilang asawa ni Janice de Belen at ama ni Lovi Poe sa horror-thriller movie na showing sa October 17. Impressed si Joey sa trailer at sa first time niyang umakting na walang kaharap.

Kuwento ni Joey, na-curious siya nang mabasa ang script dahil something new at gusto niyang maging part ng movie. Kaya very proud ito nang ma­panood kahit ang trailer at behind the scenes ng pelikula. 

Gaya ni Lovi, bumilib si Joey kay Dingdong Dantes bilang producer. Sabi nito: “Si Dingdong kahit producer, hindi ipinakitang producer siya at parang isa lang siya sa amin. Magiging legacy din ang movie not because I’m here. Magiging metikuloso na ang moviegoers after this.”

Kasama sa ipinakita sa trailer ng Tiktik na 28 days ang principal photography, 18 months ginawa at one year ang post-production. Nag-rent ang mga producer ng warehouse sa FTI at hindi pa kasama ang promo at publicity, umabot sa P80 million ang production cost ng movie.

Kaya ang pakiusap nina Dondon Montever­de ng Reality Entertainment, direk Erik Matti, Joey Abacan ng GMA Films na tulungan silang i-pro­mote ang movie para makabawi. Co-producers din ang PostManila, Mothership Productions at AgostoDos ni Dingdong Dantes.                                                                        

Samantala, iniimbitahan si Joey na tumakbong congressman sa 1st district ng Para?aque at kung makakatulong siya, tatanggapin ang offer. Agree naman ito sa desisyon ni Alma Moreno na hindi ituloy ang pagtakbong senador. Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng dating asawa, pero masyadong mahal ang pagkandidato lalo na sa pagka-senador.

SOLENN todo ang gagawing pagpapa-sexy sa launching movie

This Friday na ang storycon ng launching movie ni Solenn Heussaff sa Regal Entrtainment at sa title pa lang na The Affair, parang controversial at da­ring ang tema ng movie.

Si Peque Gallaga ang kinuhang magdirek ng movie at si Richard Gutierrez ang leading man ni Solenn. Second time na itong pagta­tambal ng dalawa, pero mas daring ito at feeling na­min, maraming kissing scenes, love scenes at bed scenes.

Mas sanay na kontrabida lj napi-pressure sa pagiging bida

Natutuwa ang press sa magandang takbo ng career ni LJ Reyes at kahit may two-year-old son, tanggap pa rin ng fans. Pinuri siya sa Cinemalaya movie na Intoy Syokoy at sa Aso ni San Roque na airing na sa September 10, isa siya sa mga bida.

Kinakabahan at napi-pressure si LJ na hindi na siya kontrabida, pero tini-take niya itong challenge. Maaawa at hindi na magagalit sa kanya ang viewers sa labas niya bilang si Lourdes, isang aswang at nanay ni Fatima (Mona Louise Rey).

Kung matutuloy, muling mapapanood sa 2013 Cinemalaya si LJ dahil may new project sa kanya si Boy Abunda na producer ng Intoy Syokoy. Bago ‘yun, mapapanood muna siya sa Tiktik: The Aswang Chronicles bilang isang aswang na pinagnanasaan ang ipinagbubuntis ni Lovi Poe.

Ang husay ni LJ pati sa stunts at hindi pala ito pumayag magpa-double. 

Bea sa kanyang album muna tututok

Pagkatapos ng Luna Blanca, magpapaka-recording star muna si Bea Binene habang wala pang bagong soap. Grand launch ng album niyang Hey, It’s Me, Bea sa Sunday, September 9, 4:00 pm., sa Skydome ng SM North Edsa.

Isasabay ng album launch ang Grand Fans Day ni Bea sa pagtutulungan ng Galaxy Records at GMA Artist Center. Kakantahin ni Bea ang ilang cuts sa kanyang debut album at baka mag-guest si Jake Vargas dahil ka-duet niya ito sa Mahal Kita, Walang Iba. Ang Urung-Sulong Ka ang carrier single ng album ni Bea.

vuukle comment

ALMA MORENO

ASWANG CHRONICLES

BEA

DINGDONG DANTES

INTOY SYOKOY

LOVI POE

MOVIE

SIYA

TIKTIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with