^

PSN Showbiz

Hindi na nape-pressure Vice sinapawan sina Luis at Toni?!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Sa susunod na buwan ay ipalalabas na ang bagong pelikula ni Vice Ganda na This Guy’s in Love With You Mare. Matatandaang tumabo ng husto sa takil­ya ang naunang dalawang pelikula ng komed­yante na Petrang Kabayo at Praybeyt Benjamin. Nakararamdam kaya ng pressure si Vice na mapantayan o mahigitan ang kinita ng dalawang nabanggit na pelikula?

“Hindi na ako napi-pressure eh kasi kapag na-pressure pa ako at na-entertain ko ang kaba, madi-diskaril ’yung diskarte ko. Ang laking pressure nung No Other Woman noong sinundan ng Praybeyt Benjamin pero hindi naman. Enjoy lang, happy-happy lang. Ginagawa namin ito para enjoy lang, happy lang. Ayoko lang ng pressure. I am an entertainer, I entertain but I don’t entertain pressure,” nakangiting pahayag ni Vice.

Sina Toni Gonzaga at Luis Manzano ang mga kasama ni Vice sa bago niyang pelikula dahil talagang hiniling niya ito.

“Noong nag-meeting nga kami sa Star Cinema at tinanong kung sino’ng gusto kong makasama, ang sabi ko si Toni talaga ang gusto kong makasama. Saka si Luis din nag-uusap kami, na halos lahat ng bonggang movies kasama ko siya. In My Life, ’tapos Hating Kapatid, Petrang Kabayo, puro kasama ko si Luis so parang lucky charm siya,” kuwento ni Vice.

Mayroon kayang mga nangyaring sapawan sa mga eksena nilang tatlo?

“Hindi naman with Direk Wenn’s (Deramas) guidance naman. Marami na rin namang nagawa. Kunwari sa eksenang ito, para mag-shine naman ng ganito, sa amin naman wala nang sapawan factor. Wala nang bilangan ng eksena. Magkakaibigan kasi kaming lahat, pati si Direk Wenn kaibigan namin. ’Yung shooting ay isang malaking harutan,” patawa pa ni Vice.

Kathryn alagang-alaga ni Daniel

Marami ang nakapapansin na halos hindi na mapaghiwalay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa tuwing magkasama sila lalo na sa katatapos lamang na Star Magic Ball noong nakaraang Sabado. Nagustuhan ni Kathryn ang bihis o porma ni Daniel noong gabing iyon. Rugged lang kasi madalas ang gayak ni Daniel pero naka-suit siya sa nasabing party.

“Of course, it’s very different from his usual attire so, since minsan ko lang ito makita so I like it naman on him,” nakangiting bungad ng Kathryn.

Kamakailan ay napabalitang mag-M.U. (mutual understanding) na ang dalawa pero ayon sa kanila ay close friends lamang sila talaga.

“Siguro nasasabi nila ’yun kasi sobrang maalaga si DJ (palayaw ni Daniel) sa akin. So sa mga picture nakikita nila na inaalalayan niya ako, ganyan. Si DJ naman is very sweet talaga in his little ways,” paliwanag ni Kathryn.

Samantala, ngayon ay kaabang-abang na ang bawat eksena sa teleserye nilang Princess And I.

“Malapit na malapit nang malaman kung ako ba talaga ’yung prinsesa, ’yun ang abangan nila, and ’yung kung kanino mapupunta si Mikay,” pagtatapos ng dalaga.

Reports from James C. Cantos

DANIEL PADILLA

DIREK WENN

HATING KAPATID

IN MY LIFE

JAMES C

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

PETRANG KABAYO

PRAYBEYT BENJAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with