News anchor nakaka-stress magbalita
Nakaka-stress magbalita sa radio ang isang news anchor. Tuwing magbabalita siya, parang may hinahabol na hindi mo maintindihan.
Imbes na makinig ka sa binabalita niya, parang napapagod ka na agad sa sinasabi niya sa radio program pag umaga.
Kaya ang nangyayari tuloy, naglilipat na lang ng ibang AM station ang ibang nakikinig sa kanya.
Apela ng ilang nakikinig, sana raw ay magdahan-dahan siya sa pagbabalita sa radio dahil sa TV naman daw ay kontrolado niya ang kanyang pagsasalita.
Bukod sa stressful ang style ng kanyang pagbabalita, grabe rin daw ang endorsement nito sa kanyang radio show.
Sarah binalikan ang First Love
Binalikan ni Sarah Geronimo ang kanyang first love. Pero hindi lalaki ha. Kundi ang kanyang pagkanta.
Ito ay matapos ang matagal-tagal na pagko-concentrate sa matagumpay niyang 24/SG concert na ginanap last July sa Smart Araneta Coliseum at ang kanyang programang Sarah G Live na pumapangatlong programa ng ABS-CBN every Sunday, heto at natapos na ang kanyang bagong album sa kanyang music label, Viva Records. Entitled, Pure OPM Classics, kakaibang Sarah ang mapapakinggan dito bilang Pinoy classic ang maririnig sa lahat ng kanta sa album na nabibili na sa music bars.
Ito ang unang concept album ng pop princess na walang kamatayan ang ginagawang pagli-link sa kanila ni Gerald Anderson.
Matagal na raw gusto ng Viva Records na gawin ito for Sarah pero ngayon lang natupad.
Kasama sa Pure OPM Classics ang Umagang Kay Ganda, Panalangin.
Kasama rin dito ang Masdan Mo Ang Kapaligiran (Asin) at ang Tao ni Sampaguita.
Timely ang pagkakanta dahil hindi na nga naman kailangang i-elaborate kung anong pinagdaanan niya sa pakikipag-boyfriend kaya kita nilang damang-dama nito ang mga messages ng kanta lalo na ng Ikaw Lang Ang Mamahalin (Joey Albert), Doon Lang (Nonoy Zuñiga), and Rey Valera’s Malayo Pa Ang Umaga.
Nakapaloob din ang Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan, Kay Ganda ng Ating Musika, at Anak ni Freddie Aguilar na narinig na ang kanyang version sa kanyang concert.
Aktor tinanggihang maging endorser ng isang kumpanya
Inialok ng commercial agent ang actor sa isang kumpanya na maging endorser nila. Medyo sikat naman ang actor at may pangalan. Pero ayon sa source, mabilis ang pagtanggi nang naghahanap ng endorser na kunin ang actor. Ang feeling daw kasi ng naturang kumpanya, walang masyadong hatak ang actor at hindi credible maging endorser ng kanilang produkto.
Mapurol din daw itong umarte kaya kahit sa commercial hindi makaarte.
Oh my. Ang akala pa naman ng kampo ng actor, mahusay siyang artista at mahal maningil ng talent fee ‘yun pala walang nagkaka-interes na kuning siyang endorser.
Loyal sa PSN!
Get well soon sa aking Tita Candelaria Bustos na kasalukuyang naka-confine sa Veterans Hospital bilang asawa siya ng beterano. Naalala ko lang na nasa college pa lang ako ay nagbabasa na siya ng Pilipino Star NGAYON.
Tuwing umaga, diyaryo ang una niyang binibili kasabay ng pandesal. At from cover to cover talagang binabasa niya ang PSN. Ngayon nang dalawin namin siya sa hospital, loyal pa rin siya sa PSN.
Tuwing gigising siya kahit nasa hospital na matapos maoperahan, nagbabasa pa rin daw siya ng PSN.
- Latest