^

PSN Showbiz

Aktor manas na ang mukha sa kakatulog

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Namamanas ang face ng isang aktor dahil nasobrahan siya sa tulog.

Tulog King ang tawag sa aktor na naging bisyo na ang matulog kaya madalas na late siya sa kanyang mga showbiz commitment.

Worried para sa aktor ang mga tao sa kanyang paligid.

Marami kasi ang nagsasabi sa kanila na pilitin nila na mag-diet ang aktor para pumayat ito pero ang totoo, hindi siya mataba. Manas ang mukha ng aktor dahil sa kanyang madalas na pagtulog.

Nora Aunor lumipad na Pa-Italy

Kagabi ang flight ni Nora Aunor papunta sa Italy dahil dadalo siya sa 69th Venice International Film Festival.

Invited si Nora sa VIFF dahil kasali rito ang kanyang pelikula na Thy Womb na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Bukod sa official entry ang Thy Womb, ipapalabas din sa VIFF ang restored version ng Himala, ang award winning movie ni Nora. Thirty years old na ngayong 2012 ang Himala dahil ipinalabas ito sa mga sinehan noong 1982.

Dahil sa Syokoy, Lj biglangnagka-break sa aso ni San Roque

Ang sabi ng kampo ni LJ Reyes, ang role niya sa Aso ni San Roque ang kanyang biggest television break.

Si LJ ang madir ng child star na si Mona Louise Rey sa Aso ni San Roque na mag-uumpisa sa September 10.

Isang aswang na na-in love at nabuntis ng normal na lalake ang role ni LJ sa bagong programa ng GMA 7.

Napansin ang acting talent ni LJ dahil sa good reviews sa performance niya sa Intoy Siyokoy, ang indie movie na official entry sa Cinemalaya Independent Film Festival noong July.

Direktor ni Cesar pakakasal sa kapwa lalaki!

Na-meet ko kahapon sa presscon ng Biktima si RD Alba.

The who si RD? Siya ang direktor ng Biktima, ang pelikula nina Cesar Montano at Angel Aquino.

Showing sa mga sinehan sa Sept. 19 ang Biktima.

Kasama ni RD sa presscon ang kanyang American dyowa na lumabas noon sa Panaghoy sa Suba.

Thirteen years na ang relasyon ni RD at ng boyfriend niya. May plano raw sila na magpakasal pero hindi sa Pilipinas dahil bawal sa ating bansa ang same sex marriage ’no?!

Tanggap ng madir ni RD ang pakikipagrelasyon nito sa kapwa mhin. Kasama kahapon ni RD sa presscon ng Biktima ang kanyang madir.

Lani nakaka-relate sa Luna Blanca

Mula sa presscon ng Biktima, naglagare ako sa presscon ng Luna Blanca.

Tatlo sa mga alaga ko ang kasali sa ikatlong yugto ng Luna Blanca, sina Rep. Lani Mercado, Christopher de Leon, at Mark Herras na bago ang hairstyle para sa kanyang role.

Sa Lunes ang umpisa ng ikatlong yugto ng Luna Blanca.

Pamilyar si Lani sa kuwento ng Luna Blanca dahil nasubaybayan niya ang pagsisimula ng teleserye ng GMA 7.

Si Lani ang gaganap na nanay nina Luna at Blanca na gagampanan naman nina Heart Evangelista at Bianca King. Si Lani ang nag-take over sa role ni Camille Prats.

vuukle comment

ANGEL AQUINO

BIKTIMA

DAHIL

KANYANG

LUNA BLANCA

NORA AUNOR

SAN ROQUE

SI LANI

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with