^

PSN Showbiz

Pati mga PA nakiki-isnab... Tisay na young actress pinagseselosan ang ka-love team ng BF na young actor

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Mamayang gabi ang premiere night ng pelikulang Captive na isa sa ipinagmamalaking obra ni Direk Brillante Mendoza.

Gaganapin ito sa Cinema 2 ng Greenbelt 3 na dadaluhan ng mga star ng naturang pelikula na sina Sid Lucero, Ronnie Lazaro, Raymond Bagatsing, Angel Aquino, Mercedes Cabral, at ang two-time Cannes Film Festival best actress Isabelle Huppert.

Sa Sept. 5 ang showing nito sa mga commercial theater. Dito masusubukan kung tanggap nga ng masa ang mga pelikula ni Direk Brillante.

PAK: Totoo kayang nagseselos si mestisang young actress sa ka-love team ng boyfriend niya dahil madalas na magkasama ngayon ang dalawa, at naiisantabi na siya?

Binubuhay na naman kasi ngayon ang love team ng boyfriend ni mestisang young actress sa isa ring young actress kaya nandiyan na ang selosan at madalas nilang pag-aaway.

Pati ang mga personal assistant (PA) ni mestisang young actress ay iniisnab ang young actress na ka-love team ng boyfriend ng kanilang alaga.

Parang nanganganib na nga ang kanilang relasyon na baka matuloy na talaga sa hiwalayan.

BOOM: May mga nag-text sa amin na ramdam pa rin nila ang kilig sa tandem nina Aga Muhlach at Regine Velasquez sa pelikula nilang Of All the Things.

May ilang eksena na ipinakita sa trailer na may pagkakaiba sa kanilang hitsura dahil sa mahigit na tatlong taong natengga ang shooting nito.

Pero hindi naman nawawala ang kilig kahit may kanya-kanya na silang pamilya dahil aminado din naman sila na nagkaroon din sila ng magandang pagtitinginan nung single pa sila.

Si Bb. Joyce Bernal pa ang nagbi-bridge sa kanila noon na hindi naman knows ni Asia’s Songbird.

“Hindi nga alam ni Regine na-in love ako sa kanya, naging girlfriend ko siya, nag-break na kami naglasing na ako dahil sa kanya na hindi pa rin niya alam,” natatawang kuwento ni Aga.

“That time galit lang siya dahil late ako parati. ’Pag si Regine ang nagda-drama sa set nun, sabi ko, ‘Oh my God affected siya sa akin. Mahal niya ako.’

“Ipinaliwanag niya, ‘Aga ako ’yung pinakaasar na tao sa ’yo nun kasi dumarating ka late,’” patuloy na kuwento ni Aga na ikinaloka ni Regine.

Masaya na lang nilang pinag-usapan ’yan ngayon dahil masaya naman sila sa kani-kanilang married life.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALL THE THINGS

ANGEL AQUINO

BRILLANTE MENDOZA

CANNES FILM FESTIVAL

DIREK BRILLANTE

ISABELLE HUPPERT

JOYCE BERNAL

MERCEDES CABRAL

RAYMOND BAGATSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with