Angel masyado nang sikat para mag-darna ulit
Okay lang sa akin na i-revive na naman ang walang kamatayang Pinoy heroine na si Darna ng ABS-CBN. Sa balak nilang paganaping muli ng role ang aktres na bumida sa pagri-revive dito ng GMA7 na si Angel Locsin ako tutol. Bagaman at pumatok naman ang role sa aktres, dapat siguro ay iba na ang paganapin ng Kapamilya Network. Isang artista na makakakuha ng malaking benefit from doing the role. Hindi si Angel na masyado nang malaking artista para maging Darna muli.
Marami namang ladies in waiting sa Kapamilya Network na puwedeng mag-Darna. Andyan si Cristine Reyes, Jessy Mendiola, Maegan Young, Bangs Garcia. Puwede rin si Sarah Geronimo.
Sarah at Gerald, Dapat Nang Tantanan
May girlfriend na raw si Gerald Anderson na isang Cebuana. Ganun?! Eh di good for him, matatapos na rin ang walang kamatayang pagli-link sa kanila ng Pop Princess. Mapapahinga na siya at maging si Sarah Geronimo. Sinasabi ng marami na naggagamitan lang ang dalawa pero kung sino sa kanila ang pinapaboran ng tinatawang nilang gimik ay hindi pa malaman. Wala sa dalawa ang nangangailangan ng gimik dahil pareho na silang sikat.
Kaya sumige na silang mag-girlftiend at boyfriend noh! Kailangan din nilang lumigaya.
Pag-Chop-Chop sa pelikulang ipinalalabas sa TV, binabasta-basta na lang
Usung-uso ‘yung paglalabas muli ng mga lumang pelikula sa telebisyon. Bagaman at talagang pinanonood ito, ang daming reklamo ang naririnig sa mga manonood dahil sa hindi magandang pagka-edit na ginagawa sa mga pelikula. ‘Yung basta may maipalabas lang ay okay na. Tuloy, marami ang nagsasabi na sinasayang lang ang oras nila dahil nakatapos at nakatapos ng showing ang pinanonood nila pero wala silang naintindihan.
Alam ba ng mga namumuno ng channel na nagpapalabas ng mga reruns ang ganito? Kung hindi n’yo pa alam, dapat ay malaman n’yo na! Get reliable editors na makakaputol ng mga ipinalalabas n’yo ng maganda. Huwag ‘yung ala-tsamba na lang na kung saan gustong putulin ay dun na lang, Nawawalan tuloy ng sense ‘yung mga ipinalalabas n’yo na kung tutuusin ay pansamantala lamang habang wala pang magandang pampalit dito.
- Latest