Pia nanganak na sa kanyang panganay
MANILA, Philippines - Nanganak na si Pia Guanio the other day. Almost eight pounds ang baby via ceasarian section. Pinangalanang Scarlet Jenine G. Mago ang panganay nila ng asawang si Steve Mago.
“At 12: 55am today, Scarlet Jenine was born. Heavy at 7.8 pounds and tall at 20 inches! Thank you Lord for the wonderful gift in our lives!” tweet ni Pia.
Ikinasal sina Pia at Steve noong October 2011 sa isang Christian ceremony sa bahay ng mga Mago sa Alabang. Inilihim pa ‘yun nung una ni Pia, pero umamin din naman siya.
After three months ng kasal, nabuntis na agad ang TV host.
Bago ang nasabing kasalan, matagal ang naging relasyon ni Pia at ng co-host niya sa Eat Bulaga na si Vic Sotto. Ang buong akala ng lahat, sila ang magkakatuluyan. Pero biglang isang araw nabalitang hiwalay na sila na hindi na nila pinag-usapan hanggang nabalitang nagpakasal na nga si Pia sa iba at ngayon ay may anak na nga. Si Vic Sotto naman ay si Pauleen Luna ang latest girlfriend.
More than a month ago pa lang nang magbakasyon si Pia sa kanyang trabaho sa GMA 7 – Showbiz Central at 24 Oras. Pero hanggang sa magpahinga siya, hindi siya nagmukhang buntis dahil maliit ang tiyan at hindi namanas.
Congrats Pia.
GMA Kapuso Foundation, nagtatag ng Davao Chapter
Lalong pinatibay ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) ang paghahatid nila ng serbisyong totoo sa katimugang bahagi ng bansa sa pagtatatag ng GMAKF Davao Chapter na ginanap noong August 17 sa El Gato Restaurant, Rancho Palos Verdes Sports and Country Club, Davao City.
Ang launch na may temang Serbisyong Tinud-Anay Para Sa Tanay (Serbisyong Totoo Para Sa Lahat) ay isinagawa upang makapaghikayat ng mga volunteers at donors mula sa pinaka-malaki at pinaka-mataong siyudad sa buong Pilipinas.
Akma ang lokasyon ng Davao na maging sentro ng Southern operations ng GMAKF dahil malapit ito sa ibang probinsiya sa Mindanao kung saan laganap ang kahirapan. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng GMA TV Davao Station upang mas mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.
Ayon kay GMAKF EVP and COO Mel Tiangco, ang Davao Chapter ang magsisilbing tulay sa pagitan ng mga Davaoeños at mga taga-Quezon City headquarters ng GMAKF kung saan nagsisimula ang karamihan sa mga programa ng Foundation.
“We want to go to the grassroots as we mount and deliver our public service efforts. We also want to involve more people in the cause of alleviating poverty levels and extending assistance in several areas across the country,” saad ni Tiangco.
Pero gusto niya pa ring matayong mag-isa ang Davao Chapter at makapangalap ng tulong sa mga lokal ng Davao. “Our end-goal is to make the Davao Chapter self-supporting, in that it should be able to mount its own medical missions, relief operations, etc. thru local support. But this does necessarily mean that we are excluding ourselves from its operations. We will be working hand in hand with them as we strive to better serve the residents of Davao.”
Pinangunahan ni Tiangco ang ceremonial toast kasama sina Mr. Jeffrey Balde, Executive Director of GMAKF, Ms. Mariles Puentevella, Station Manager of GMA Davao, Mr. Oliver Amoroso, AVP for GMA Regional TV, Ms. Cel Amores, AVP for Regional News and Public Affairs, at Ms. Gigi Lolarga, Operations Manager for GMA Regional TV.
Magmula 2008 ay aktibo na ang GMAKF sa pagtaguyod ng iba’t ibang humanitarian activities para sa mga underprivileged communities sa Davao. Kabilang dito ang iba’t ibang health, education, disaster relief at values formation projects ng GMAKF.
Para sa mga nais makiisa sa pag-abot ng tulong ng GMAKF, maaaring mag-deposit sa account name na GMA Kapuso Foundation, Inc. Para sa Metrobank, ang account numbers ay ang mga sumusunod: 3-098-51034-7 (Peso Savings) at 2-098-00244-2 na may code MBTC PH MM (Dollar Savings). Para sa UCPB, ang account numbers ay 115-184777-2 at 160-111277-7 (Peso Savings), at 01-115-301177-9 at 01-160-300427-6 with swift code UCPB PH MM (Dollar Savings). Maaari ring magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng website at lahat ng Cebuana Lhuillier branches sa buong bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa (632) 9827777 locals 9901 o 9905, o mag-email sa[email protected] o mag log-on sa www.gmanetwork.com.
Restored Version ng Himala ipinapalabas na sa Venice Filmfest
Para sa selebrasyon ng ika-30 taong anibersaryo ng classic film na Himala ni Ishmael Bernal, kasalukuyang ginaganap ang world premiere nito sa 69th Venice International Film Festival na nagsimula noong Agosto 29 hanggang Setyembre 8 sa Venice Lido.
Kasabay ang iba pang restored classics, ang 1982 film na pinagbibidahan ni Nora Aunor ay ipapalabas sa programang tinatawag na Venizia Classici.
Layon din na ipalabas ang High-Definition version ng pelikula sa mga lokal na sinehan bago matapos ang taon. “Balak namin ilabas ang Himala sa lokal na sinehan, sa pay TV at cable, pati na rin sa DVD. Marami kaming plano para dito,” ani Leo Katigbak, head ng ABS-CBN Film Archives.
- Latest