Gus tutugisin ang suspek sa rape at pagpatay sa dalagang estudyante
MANILA, Philippines - Mas paiigtingin ng SOCO: Scene of the Crime Operatives ang paghahanap sa pangunahing suspek ng panggagahasa at pagpaslang sa dalagang si Glaudia Schnelli sa pamamagitan ng pagsasadula ng krimen ngayong Sabado (Sept 1) sa ABS-CBN.
Ilalantad ni Gus Abelgas ang halos dalawang taong paghahanap ng pamilya ni Glaudia ng hustisya na bumuo pa ng Facebook page para tugisin ang suspek na si Felix ‘Piting’ Lasala, isang dating tricycle driver at taga-hatid sundo ng biktima sa eskwela.
Gabi noong Disyembre taong 2010 nang dinatnan ng ina ni Glaudia ang anak na wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo sa loob ng kwarto nito sa Parañaque City. Nakatakdang magtapos sa kolehiyo ang 21-anyos na biktima ngunit hindi na umabot sa graduation dahil sa matitinding saksak na natamo.
Dahil sa salaysay ng mga testigo at mga ebidensiya, sinampahan ng kasong rape with homicide si Felix. Kasabay nito, isang warrant of arrest ang inilabas ng korte upang sa agarang ikadarakip ni Felix na ngayo’y pinaghahanap ng batas.
- Latest