Richard todo-bantay kay Sarah kahit kinakagat-kagat ng lamok
Ayan ha, hindi nagtatapos sa taping ng Makapiling Kang Muli ang relasyon nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. May tsika kasing nagbabantay ang aktor sa dalaga sa shooting nito ng horror movie ng GMA Films at Reality Films na Basement.
Hindi raw nagrereklamo si Richard kahit malamok sa location at mainit dahil basement, mabantayan lang si Sarah at para ipakita rito kung gaano ito ka-special sa kanya.
Ang haba ng hair ni Sarah ha!
Kristoffer hinimatay nang ibitin patiwarik, Barbie nagkapasa-pasa
Last four taping days ng Book Two ng Luna Blanca at may separation anxiety na sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin at Bea Binene. Hindi magtatapos ang chapter ng apat na basta na lang sila iiyak dahil sina Barbie at Kristoffer ay pinahirapan.
Hinimatay si Kristoffer nang ibitin nang patiwarik at nagkaroon ng pasa si Barbie sa tiyan dahil sa harness. Enjoy si Barbie sa dual personality niya at nahihirapan lang sa madalas na pagpapaplit ng damit ‘pag eksena na nina Blanca at Ani ang kinukunan.
Kahit hinimatay, ipinagmamalaki ni Kristoffer na wala siyang double sa mahirap na eksena nila ni Barbie. Bukod sa nakatiwarik, sigaw pa siya nang sigaw, pero nagawa pa rin nila ng maayos ni Barbie ang eksena.
Magpapatuloy ang karakter ni Kristoffer sa Book Three ng Luna Blanca bilang si Joaquin/Aki, pero si Mark Herras na raw ang gaganap at sa presscon ng cast ng Book Three next week, malalaman kung sino ang makakapareha niya.
Kasama sa ipakikilala sa presscon sina Cong. Lani Mercado sa role ni Rowena, Carmi Martin sa role ni Divine, Heart Evangelista bilang si Blanca, Bianca King bilang si Luna at Christopher de Leon bilang si Luis.
Baron walang hilig sa horror movie
Maaga si Baron Geisler sa presscon ng Pridyider ng Regal Entertainment at showing sa September 19. Maiksi, pero maganda ang role ng aktor bilang si Dick, isang Amboy na suitor ng karakter ni Andi Eigenmann sa movie ni direk Rico Ilarde.
A-hole na cute ang description nito sa karakter niya sa movie, somebody you either hate or love, hindi good at hindi rin bad, character role na muling magpapakita ng galing niya sa pg-arte.
Horror ang Pridyider, pero hindi pala hilig ni Baron ang ganitong klaseng pelikula, kaya wala itong mabanggit na favorite horror movie. And for someone na ayaw sa horror movie, kasama rin siya sa Sapi ni direk Brillante Mendoza.
Tila bumabawi si Baron sa seven months niya sa rehab dahil seven pictures ang ginagawa nito ngayon, kabilang ang Pridyider. Nasa cast din siya ng El Presidente at pinaturuan ng Spanish ni Laguna Gov. ER Ejercito dahil Espa?ol ang karakter niya.
Bela pag-aagawan ng tatlong lalaki
Ginawa kahapon ang storycon ng Magdalena, ang launching project ni Bela Padilla sa direction ni Gina Alajar. Sa Afternoon Prime ng Kapuso Network ang time slot ng bagong soap, kung saan, makakapareha ni Bela sina Ryan Eigenmann, Pancho Magno, at Dion Ignacio na siyang tunay na love interest daw ni Bela.
- Latest