^

PSN Showbiz

Richard at Sarah nagsolo sa Bora?!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magkasama ba sa Boracay sina Richard Gutierrez at Sarah Labahti?

Kahapon ay nag-post sa kanyang Instagram account si Richard na ‘at last’ na ang dateline ay Bora. Pero hindi niya pinakita ang mukha nila ng kasama, mga legs at paa lang nila. Madaling nahulaan ng fans na sila ni Sarah ang magkasama.

Wow kung sila ang magkasama, hindi na nila kailangang magpaliwanag.

Eh wala namang girlfriend si Richard bilang nauna nang sinabi ng kanyang mommy Annabelle Rama na naghiwalay na sila ng girlfriend niya.

Anyway sa pagpapatuloy ng pinagbibidahan nilang Makapiling Kang Muli, magugulat si Leilani sa last will of testament ni Amadeo. Ipinamana ni Amadeo kay Claring, Martin at Leilani ang kanyang mga ari-arian.  Matutuwa si Claring na kasama si Martin at Leilani sa magmamana ng kayamanan ng kanyang anak. Matanda na raw siya at hindi na niya kailangan ang marami pang kayamanan para gamitin sa nalalabing araw ng kanyang buhay.  Obligado si Leilani na makipagkita kay Martin para ibalita ang pamana ni Amadeo.  Magkakataon na nang tumawag at nagtext si Leilani kay Martin ay makikita ito ni Graciela at buburahin sa cellphone ni Martin. Sa halip, siya ang makikipagkita kay Leilani. Ibabalita rin ni Graciela kay Leilani ang balak ni Mara na ipa-annul ang kasal niya kay Louie para magkatuluyan na sila ni Martin.  Desperado na si Graciela na masarili si Martin. Pagbabawalan niya si Leilani na makipagkita kay Martin.

AMADEO

ANNABELLE RAMA

BORACAY

GRACIELA

KAY

LEILANI

MAKAPILING KANG MULI

MARTIN

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LABAHTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with