^

PSN Showbiz

Regine guwardyado sa interview!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Bawal palang ma-interview kahit ng news programs ng

ABS-CBN

si

Regine Velasquez

bilang naka-stipulate sa kanyang contract na hindi siya puwedeng makita sa kalabang network ng

GMA 7

dahil ang

GMA Films

ang magre-release ng movie. Pero sa

TV5

wala siyang problema.

Sa ginanap kasing presscon ng Of All The Things, ang pelikula nila ni Aga Muhlach sa Viva Films, alanganin ang crew ng ABS-CBN na kausapin si Regine. Nang tanungin si Regine kung puwede siyang interbyuhin ng crew ng Kapamilya Network, matunog na no ang answer.

Maging ang assistant niya ay maaga ang pagkontra at agad na nagsabing tatanungin ang manager ni Regine na si Cacai Mitra kung puwede. Pero obviously hindi talaga puwede kahit pa puwedeng makatulong ang nasabing interview sa pelikula nila ni Aga na Of All The Things na palabas na sa mga sinehan sa September 26.

Actually, mukhang naka-particular sa kontrata ni Regine na sa ABS-CBN lang hindi puwede dahil sa mga crew naman ng TV5 ay babad ang interview niya.

Matatandaang muntik nang lumipat si Regine sa ABS-CBN noong bago siya nagkaanak pero napigilan ng GMA 7 kaya siguro masyadong mahigpit ang ibinigay nilang kontrata kay Mrs. Ogie Alcasid.

Speaking of Regine, tuloy pala ang pagda-diet niya at exercise bilang kailangan niyang palakasin ang kanyang stamina para sa nalalapit niyang concert sa kanyang 25th anniversary sa showbiz.

Pamilya ni Aga halos sa Bicol na nakatira

Sa Bicol na pala halos nakatira ang pamilya ni Aga Muhlach. Pag may trabaho na lang sila ni Charlene lumuluwas ng Maynila. Nataon pa bakasyon ang kambal nila sa school kaya matagal-tagal din silang namalalagi sa Bicol.

Doon na rin siya nag-birthday. Inimbita pa niya si Angel Locsin kaya naman halos magiba raw ang pinagawa nilang stage sa kanyang party.

Pero ngayon ay nandito siya sa Manila dahil pukpukan na ang promo nila ng Of All The Things na ipalalabas na finally sa mga sinehan sa September 26.

Inabot ng tatlong taon ang pelikula kaya naman excited din silang maipalabas ito.

Fans nina Sarah at Gerald, nabuhayan na naman ng pag-asa

Buhay na buhay pa pala ang pag-asa ng fans nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na maging sila.

Aba kahapon ay abala na naman sila sa pagti-tweet tungkol sa nangyari sa Araneta kung saan nag-duet sa 25th anniversary of Cebuana Lhuillier ang dalawa. Nabuhayan na naman sila ng pag-asa lalo na nang mag-duet sila ng I Won’t Last A Day Without You at We Got Tonight.

Bukod sa pagsasama nila sa nasabing event madalas ding makita ang dalawa sa commercial ng Jollibee kaya talaga namang nabubuhayan ng loob ang mga nagdarasal na sana ay magkatuluyan sila.

Hmmm, baka nga naman nagkaayos na ang dalawa at ayaw na lang nilang umamin para wala nang problema?

Anyway, lalabas na pala this weekend ang latest album ni Sarah na lahat OPM songs – Pure OPM Classics ang title. Kasama raw sa album ang kinanta ni Sarah sa kanyang sold out concert 24/SG na original song ni Freddie Aguilar na Anak.

Si Sarah daw ang namili ng mga kantang kasali sa album.

Horror movie, sunud-sunod

Sunud-sunod ang showing ng horror films. Si­nimulan ng The Healing starring Gov. Vilma Santos. Sinundan ng Guni-Guni na bida si Lovi Poe, at kahapon ay nagbukas sa mga sinehan ang Amorosa na pinagbibidahan ni Angel Aquino. Sa second week of September naman ipapalabas ang Pridyider na isa pang nakakatakot na pelikula.

Anong meron bakit kaya sunud-sunod? Dahil kaya ghost month daw.

Andeng pinilit ang katawan para sa anak

Ang sad nang nangyari sa ikatlong anak na babae sana nina Rizal Gov. Junjun at Andeng Ynares. Namatay sa tiyan ni Mareng Andeng ang baby na walong buwan na. May baby shower sana si Mareng Andeng pero naramdaman niyang hindi na gumagalaw ang baby. So pumunta na sila sa doctor at doon na nga nalaman ang nangyari sa baby.

Nakausap ko si Mrs. Ynares sa phone kahapon na kahit medyo masakit pa ang tahi dahil inoperahan nga siya pero kailangan niyang ihatid sa huling himlayan ang baby.

Ok naman daw siya pero pinilit niya talagang makita ang anak sa huling sandali.

AGA MUHLACH

ALL THE THINGS

ANDENG YNARES

ANGEL AQUINO

ANGEL LOCSIN

BICOL

MARENG ANDENG

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with