^

PSN Showbiz

Dominic na-challenge sa pagiging pipi

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isa sa mga magagaling na batang aktor ng GMA Artist Center ay si Dominic Roco. Sa wakas ay nabigyan na rin ng karapat-dapat niyang break ang isa sa kambal na anak ni Bembol Roco.

Puring-puri ng mga kritiko at ordinaryong manonood ang kanyang pagbibida sa love story-drama, isang Cinemalaya entry, na Ang Nawawala.

Ang pelikula ay hinggil sa teenager na si Gibson Bonifacio na naging “pipi” dahil sa isang masamang karanasan. Sinusuyod ng pelikula ang lokal na indie music scene, ang sining ng dalawang taong nagkagustuhan, at ang “pagkabuhay” na muli.

Kahit paano, nakaka-relate si Dominic sa kanyang karaker dahil sa totoong buhay ay silent type siya. Sa una ay inakala niyang madali lang pero naging taliwas sa inaasahan niya ang unang taping day. Para sa kanya, ito ang pinaka-mapaghamong papel na kanyang ginampanan sa kanyang career.

“Ang hirap pala ng hindi nagsasalita,” patungkol ni Dominic sa kanyang papel bilang Gibson.

Dahil hindi siya nagsasalita, lahat ay kailangang ihayag sa pamamagitan ng paralanguage.

Bukod sa hirap ng kanyang pagbibida sa indie film na magkakaroon ng commercial run sa Sept. 12, medyo naging pressure rin kay Dominic ang makasama sa pelikula ang mga beteranong aktor na sina Dawn Zulueta at Boboy Garovillo. Kasama rin sa pelikula ang kakambal niyang si Felix Roco sa idinirek ni Marie Jamora.

vuukle comment

ANG NAWAWALA

ARTIST CENTER

BEMBOL ROCO

BOBOY GAROVILLO

DAWN ZULUETA

DOMINIC

DOMINIC ROCO

FELIX ROCO

GIBSON BONIFACIO

MARIE JAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with