Patrol ng Pilipino bibigyang pugay ang mga nasawing bayaning sundalo
MANILA, Philippines - Kikilalanin at bibigyang pugay ni Gretchen Malalad ang magigiting na sundalong namatay sa bakbakan at nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan sa espesyal na handog ng Patrol ng Pilipino para sa Araw ng mga Bayani sa episode ngayong Agosto 28.
Tunghayan ang kuwento ng kabayanihan nina Second Lieutenant JD Khe at Corporal Jose Marvin Talamante, Jr., mga sundalong nakahimlay ngayon sa Libingan ng mga Bayani.
Ibabahagi naman ni Col. Ariel Querubin ang diwa ng prestihiyosong Medal of Valor. Isa lamang siya sa iilang nakatanggap ng pinakamataas na parangal para sa katapangan ng mga sundalo ng bansa. Ano nga ba ang kahalagahan ng karangalang ito?
Samantala, hihimayin naman ni Ryan Chua ang mga proseso sa paggawa ng batas. Tunghayan ang mga prosesong isinaalang-alang ng mga mambabatas upang ang isang panukala kagaya ng Reproductive Health Bill ay maipasa bilang isang ganap na batas.
Alamin ang mga kuwento sa likod ng mga balita sa Patrol ng Pilipino pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. Para sa updates ng programa, sundan ang @Patrol_Pilipino sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/PatrolNgPilipinoTV.
- Latest