^

PSN Showbiz

Gustong bumawi ang BF para idenay na hiwalay na, Cristine pinasusunod sa Amerika si Rayver

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Kamakailan ay napabalitang nagkakalabuan na sa kanilang relasyon ang magkasintahang sina Rayver Cruz at Cristine Reyes. Agad naman itong pinabulaanan ng aktres at katunayan ay madalas silang lumalabas ng binata kasama ang kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

“Kasama ko lang siya last weekend. Wala. Ewan ko kung bakit may lumalabas pang gano’n eh nakikita naman nila na lagi kaming magkakasama,” bungad ni Cristine.

Maalagaing girlfriend din ang dalaga at madalas din niyang ipagluto ang dancer-actor. Natutong magluto si Cristine sa pamamagitan ng paggaya niya ng mga putahe sa cookbook. Gaano kaya kasarap ang mga niluluto ng aktres para kay Rayver?

“Hindi ko alam. Basta ginagaya ko lang nasa cookbook, natuto na ako,” natatawang sagot ng dalaga.

Samantala, hindi makakadalo sina Rayver at Cristine sa gaganaping Star Magic Ball sa Sept. 1 dahil nakatakda pumunta ang aktres sa Amerika para makapagbakasyon at hahabol naman ang young actor.

“Wala kami eh. Kailangan niyang bumawi sa akin kasi hindi siya sumama sa akin sa London, England kasi nasa US ako for work and then may tour ako sa Canada with Vice Ganda. ’Tapos after nun, vacation ng slight, mga three days, susunod si Rayver,” kuwento ng dalaga. 

Shaina magpapaka-wise na

Naging kontrobersiyal ang hiwalayan nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao kamakailan. Ayon kay Shaina, masaya naman siya ngayon kahit wala siyang karelasyon.

“I’m very happy with all the blessings I’m receiving. My work, my show is doing so well and at the same time. I’m so blessed with good friends and good family, very, very supportive. Siguro I’m just looking forward to the new Shaina, a lot wiser. I’m learning so much about life,” bungad ni Shaina.

Ano kaya ang ibig sabihin ng makahulugang pahayag na ito ni Shaina?

“I’m looking forward to becoming wiser pa, more experienced. Siyempre gusto ko na lahat ng matututunan ko ngayon sa buhay ko I’ll keep it, I’ll learn from it talaga. I’ll treasure it and start moving on with my life, with my new life,” paliwanag ng dalaga.

Marami talagang natutunan si Shaina sa kanyang mga pinagdaanang karanasan kaya nananatiling positibo ang kanyang pananaw sa buhay.

“Sobrang dami kong natutunan with everything that’s happened, but one thing is for sure, sa rami ng pinagdaanan ko, I always pray and I always say na I’m never bitter about life. I always believe in God’s purpose, ano pa ba ang hihingin ko? I have good friends. I have such supportive family and natutuwa ako na maraming nakaka-appreciate sa akin. So wala na siguro akong mahihiling at this point in time,” pagtatapos ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

CRISTINE

CRISTINE REYES

JOHN LLOYD CRUZ

RAYVER

RAYVER CRUZ

SHAINA

SHAINA MAGDAYAO

SIGURO I

STAR MAGIC BALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with