Paulo halatang-halatang pinapaboran sa Walang HangganÂ
Parang totoo ngang si Paulo Avelino ang pinapaboran ng extension ng Walang Hanggan. At sobra namang pinalalabas ang kakitiran ng utak ng character ni Helen Gamboa gayung isang mayaman at edukada ang role niya. Wala namang dahilan para hindi niya mapigil ang kanyang kasalanan by putting a stop to the crimes of Miguel (Nonie Buencamino) pero hindi niya ito ginagawa.
Hanggang kailan nito ipagpapatuloy ang kawalan niya ng desisyon? At si Nathan (Paulo) hanggang kailan niya hahabulin si Katerina (Julia Montes)? Tsk, tsk, tsk!
Rafael magiging maligaya sa Kapuso
Bakit naman hindi bibigyan ng magandang proyekto sa GMA 7 ang bagong lipat na si Rafael Rosell ay hindi naman kaila sa lahat ng kagalingan nitong umarte? Nagtataka nga ako kung bakit pinayagan siyang umalis ng ABS-CBN eh, magaling nga siya. O baka hindi na kinailangan ang kanyang permiso, dahil talagang buo na ang loob na lumipat ng aktor dahil sabi nga niya ay gusto niya ng pagbabago?
Welcome, Rafael! Magiging asset ka sa aming istasyon. At hindi ka magsisisi sa ginawa mong desisyon.
Bumalik na sa paghawak ng bankbook
Kayong may mga pera sa automated teller machine o ATM, baka gusto n’yong ilipat ang nga deposito n’yo sa lumang paraan na ginagamitan ng passbook. Marami na akong nababalitaang savings sa ATM na napagsasamantalahan ng mga hacker. Iniisip ko naman na paano ito nagagawa ng mga masasamang loob eh lagi namang guwardiyado ang ATM machines?
Kung ayaw n’yong mapagsamantalahan ng iba ang matagal n’yong pinag-ipunan, ilipat ito sa ibang account, magtira ng maliit na halaga sa mga ATM machine, ’yung madaling kunin kapag may emergency kayo. ’Yung kahit manakaw ay hindi n’yo masyadong ikalulungkot.
- Latest