Babaeng pulitiko, nag-inarte nang mag-shoot ng commercial
MANILA, Philippines - Totoo palang sobrang arte ng isang female politician na product endorser na rin. Grabe raw ang mga request nito sa mga taong kumuha sa kanyang serbisyo. At hindi lang daw ang nasabing pulitiko ang masyadong maarte dahil ultimo ang staff nito ay pinahirapan sila dahil sa sobrang dami ng request.
Pero wala naman daw magawa ang mga staff dahil kailangan naman nilang gawin ‘yun. Pero sumusumpa silang kung may choice, ayaw na nilang makatrabaho ang sobrang arteng pulitiko na parang wala namang ginagawang maganda sa ating bayan kundi mag-inarte lang.
Actually, kahit daw sa kampanya nuknukan ito ng arte.
Kahapon ay nagti-tweet ang female politician at nakilala raw niya ang pamilya nang namayapang si DILG Secretary Jesse Robredo. Ang bait daw nito.
Hay sana nga, ‘yun ang gayahin ni Madam politician at ‘wag siyang umastang parang reyna ayon sa source.
Tita Midz pumayat, nagluluksa pa sa namatay na asawa
Nakaka-worry ang kapayatan ni Tita Armida Siguion-Reyna nang mapanood ko siya sa pelikulang Bwakaw starring Eddie Garcia na pinuri nang ipalabas sa 2012 Cinemalaya Independent Film Festival kamakailan. Hindi na siya ang dating masiglang si Tita Midz na nakikita sa mga party. Sa nasabing pelikula kasi, siya ang naging girlfriend ni Eddie ng matagal na panahon pero hindi sa kanya nasabi na bading pala siya (Eddie). Dinadalaw-dalaw na lang siya ni Eddie sa Home for the Aged. Parang ang hina ni Tita Midz sa nasabing pelikula kahit na nga sabihing weak talaga na may edad naman ang role.
Ayon sa ilang malalapit kay Tita Midz, nabawasan talaga ang sigla ng producer, actress and singer at naging MTRCB chief din nang mamatay ang asawa nitong si Atty. Leonardo Reyna last year. Sobrang naapektuhan daw ito at talagang lungkot na lungkot. Tapos nadulas pa raw ito kamakailan lang kaya ilang linggo ring nagkasakit.
Anyway, balitang magkakaroon ng commercial exhibition ang Bwakaw next week.
Elmo nasubukan sa drama
Unti-unti nang nakakatakas sa anino ng kanyang amang namayapa, si Francis Magalona, ang Kapuso actor na si Elmo.
Nagkakaroon na siya ng sariling identity bilang all out ang binibigay na suporta sa kanya ng GMA 7. Ipinalabas kamakailan lang ang launching movie nila ni Julie Ann San Jose na Just One Summer at mabigat ang ibinigay sa kanyang role sa nasabing pelikula. Hindi basta-basta nagpakilig lang, drama kung drama talaga.
Pinatunayan ni Elmo sa pelikula na keri niya ang mag-drama. In the story, siya si Daniel “Nyel” Cuaresma Jr., na anak mayaman na ang pangarap ay maging doctor at gustong mag-aral sa Amerika. Ang siste, kailangang may pirmahang dokumento ang kanyang ama na hiwalay sa kanyang ina na isa ring doktora. Ang bargain, kailangan niyang magbakasyon ng isang summer sa probinsiya kung saan naninirahan ang kanyang ama na namamahala ng isang hacienda. Doon niya makikilala si Julie Ann.
Masaya naman si Elmo sa kinalabasan ng pelikula. Sinuportahan sila ng fans at wala pang alam si Elmo kung anong susunod niyang movie project after Just One Summer.
Pero napapanood pa rin sila ni Julie Ann sa Together Forever na umeere sa GMA 7 every Saturday.
Bukod sa pagda-drama, nakakakanta rin siya at may mga endorsement kaya inaasahan pang aalagwa ang career niya.
Pasasalamat ni Mimi Citco
Nais magpasalamat ng dating entertainment columnist na si Tita Mimi Citco sa lahat ng tumulong sa kanyang pagpapagamot. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa matinding sakit. Kasali sa mga gusto niyang pasalamatan sina Sir Miguel Belmonte, Presidente ng Pilipino Star NGAYON Inc., Ms. Emy Cruz, Angie Isidro, Mr. Al Pedroche, Mr. Ricky Lo, Ms. Jo Lising-Abelgas, Ms. Rowena del Prado at sa lahat ng tumutulong at patuloy na tumutulong sa kanyang pangangailangan.
Hindi pa raw siya nakakalabas ng hospital at patuloy siyang tatanggap ng tulong dahil kailangan niya pa ng malaking halaga para patuloy na mabili ang mga gamot na kailangan niya.
Kasalukuyan siyang naka-confine sa Philippine General Hospital.
- Latest