Ogie magbi-birthday sa Party Pilipinas
MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ng premier singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa Party Pilipinas O.A. ngayong Linggo ang kanyang ika-45 taong kaarawan at ang kanyang anibersaryo sa showbiz.
Makakasabay ni Ogie ang birthday celebrant din ang kapwa niya singer na si Rachelle Ann Go.
Abangan ang tagisan ng galing ng boses ng mga resident diva at ng mg gay biritera sa edisyong Vox Challenge ngayong linggo.
Muling magniningning si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid habang makikipagsabayan sa bagong singing sensation na si Zendee Rose Tenerefe.
Magpaparinig rin ng awit sa stage ang music royalties ng Party Pilipinas na sina Janno Gibbs, Jaya, Kyla, JayR, Jolina Magdangal, Mark Bautista, Gian Magdangal, at Kris Lawrence.
Tulad ng dati, itatampok pa rin ng show ang Original Pilipino Music sa pamamagitan ng isang performance ng music legend na si Ryan Cayabyab. Gayundin ang APO Hiking Society na magpapasilip sa darating na pelikula na humango ng inspirasyon sa kanilang kantang Doo Bidoo.
Bibirit din sa show ang Pinoy Rock icons ng kasalukuyang henerasyon. Ipapakilala ng Parokya ni Edgar ang bago nilang album na Inuman Sessions Volume 2 habang si Rico Blanco ay sa bago niyang single na Amats.
Kasama ang bagong Kapuso star na si Rafael Rosell sa paghataw ng Sayaw Pilipinas Crew at ng Sexy Hunks.
Paghandaan din ang ekstrang sweetness sa Dear Mr. and Mrs. A sa bago nitong love story. Kasama rito ang JuliEmo tandem nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona at ang Keso Boys kasama ng isang bagong “cheesecake girl.”
Ihahatid din kayo ng show sa landas ng mga future star mula sa Protégé: The Battle For the Big Artista Break. Malapit na rin ang isang bagong sap sa top-rating afternoon prime block ng GMA, ang Sana ay Ikaw na Nga na pagbibidahan nina Mikael Daez at Andrea Torres.
- Latest