^

PSN Showbiz

Christopher nakuha na uli ng GMA

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Next week na ang storycon para sa Book Three ng Luna Blanca at kundi mababago ang napiling cast, malaking artista ang makakasama nina Bianca King at Heart Evangelista na magtatapos sa istorya ng soap.

Papalit daw kay Camille Prats sa role ni Rowena si Lani Mercado, si Carmi Martin sa role ni Divine na ginampanan ni Chynna Ortaleza at si Christopher de Leon sa role ni Luis na ginampanan ni Raymart Santiago.

Nabalitaan din namin na hindi pa man nagsisimula ang taping ng Book Three ng Luna Blanca, extended na ito ng two more weeks. Ang Book Two ng soap na bida sina Bea Binene at Barbie Forteza ay one week extended, from 13 weeks, 14 weeks na ito tatakbo

Na-reject na movie ni Nora at Direk Brillante sa MMFF, mag-iikot sa mga international film festival

Nakausap namin sandali si drector Brillante Mendoza na siyang kinuha ng GMA 7 na magdirek ng five short films tampok ang Top 15 aspirants sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break at ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Nakapagdirehe na ang director sa StarStruck dati, kaya hindi na bago ang makipag-trabaho sa mga newcomer.

Ang bilis magtrabaho ni direk Brillante dahil pagdating sa set, agad kinausap ang mga aspirants, si­na­bi ang gusto niya at ini-expect sa mga ito. Natuwa ito sa nakitang seryoso ang Top 15 at kinakitaan niya ng passion at determination na magawa ng tama ang trabaho.

Sa Gala Night sa Sunday ipalalabas ang tig-five-minute story.

Samantala, sa September 5, ang alis nila nina Nora Aunor, Mercedes Cabral at Lovi Poe para dumalo sa Venice International Film Festival kung saan, in competition ang Thy Womb. Hanggang Sept. 10, ang grupo nila sa Venice.

“Maraming international film festival na iikutin ang Thy Womb, kaya hindi negative ang tingin ko nang ma-reject ang movie sa MMFF. Ang daming invitation sa movie up to next year, up to Dubai,” banggit ni direk Brillante.

Kasunod nito, ibinalita ng director na showing sa Sept. 5 ang Captive, bida ang French actress na si Isabelle Huppert. Sa SM Pampanga ang Phil. premiere sa Sept. 2, at Sept. 3, sa Greenbelt ang Gala Premiere Night. Kasama sa cast sina Raymond Bagatsing, Sid Lucero at Angel Aquino.

Magko-compete ang Captive sa Berlin International Film Festival sa February at may screening sa France, Switzerland, Japan, Portugal, Brazil, Itlay, Spain up to next year din.

Eric hindi na maalala ang role sa sana…

Napaiyak si Tanya Garcia nang unang malamang ire-remake ang pinagbidahang Sana Ay Ikaw Na Nga (nila ni Dingdong Dantes) 10 years ago sa GMA 7 din. Mahal ni Tanya ang soap, kaya madaling napapayag na magkaroon ng special participation. Lalabas siya sa isang eksena sa pilot night, kung anong role, ‘di namin alam.

It turned out na pati si Gabby Eigenmann na kasama sa remake sa role ni Gilbert Zalameda na unang ginampanan ni Eric Quizon ay nakasama rin sa original series. Hindi na lang matandaan ng aktor ang naging role niya, pero mahaba ang partisipasyon niya at matagal din siyang napanood.

Aminado si Gabby na he’s more contravida than a bida at wala siyang ambisyong maging superstar. Masaya na siyang tuluy-tuloy ang trabaho at kung sa pagiging bad siya mas gusto ng viewers, okey lang sa kanya.

Hindi pa nagti-taping si Gabby, pero ang alam, papasok ang karakter niya sa second week ng SAINN. By now, alam na nito kung paano aatakihin ang ibinigay na role sa kanya sa soap na magpa-pilot sa September 3, sa direction ni Dick Lindayag.

ANG BOOK TWO

ANGEL AQUINO

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

BERLIN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

BIANCA KING

BOOK THREE

LUNA BLANCA

ROLE

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with