^

PSN Showbiz

Pacman totoong nakakapagpagaling na, mga taong ipinagdasal na nawalan ng sakit nagpatotoo!

SEEN SCENE - The Philippine Star

Seen : Ang mga tao na nagpapatunay na napagaling ni Congressman Manny Pacquiao ang kanilang mga karamdaman sa pamamagitan ng dasal.

Ipinagdarasal sila ni Pacquiao sa dressing room nito sa Manny Many Prizes.

Scene : Ang paulit-ulit na pagbanggit ni Alvin Elchico sa pangalan ni Robert Carabueno sa kanyang radio program sa dzMM noong Huwebes.

Wrong information ang ibinibigay ni Elchico sa kanyang listeners dahil CarabUENA, hindi CarabuENO  ang family name ng nanakit kay MMDA Traffic Enforcer Saturnino Fabros.

Seen : Si Rita Avila ang kahawig ni Tippy Dos Santos, hindi si Zsa Zsa Padilla.

Si Tippy ang gumanap na anak ni Zsa Zsa sa critically acclaimed movie na I Do Bidoo Bidoo ng Studio5 at Unitel Productions.

Scene : Nagkaroon ng technical problems sa presscon ng Sana Ay Ikaw Na Nga kaya hindi agad naipalabas ang audio visual presentation ng bagong afternoon teleserye ng GMA 7. Magsisimula sa September 3 ang airing ng remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga na unang pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia.

Seen : Walang Filipino castaway sa Survivor Philippines dahil mga American national lamang ang kasali sa reality show  na mapapanood sa CBS simula September 19 hanggang December 2012.

Scene : Mentally at emotionally prepared na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang kidney surgery sa Amerika sa August 27.

Humihiling si Zsa Zsa ng dasal sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya.

Seen : Maingay ang mga artista ng I Do Bidoo Bidoo sa kanilang  holding room habang ipinagdarasal ni Gary Valenciano at ng entertainment press si Zsa Zsa Padilla bago sinimulan ang presscon noong Huwebes.

Scene : Hanggang first week ng September ang taping ng mga artista ng Book 2 ng Luna Blanca dahil binigyan ito ng extension ng GMA 7.

ALVIN ELCHICO

DINGDONG DANTES

I DO BIDOO BIDOO

LEFT

SANA AY IKAW NA NGA

ZSA

ZSA ZSA

ZSA ZSA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with