GF ni Christian pang-audience lang!
Isang dekada nang kumakanta professionally si Christian Bautista. Isang malaki at bonggang selebrasyon ang inihahanda niya via a five-day concert na mangyayari sa Meralco Theater sa Pasig City. Nang tanungin siya kung bakit dun at hindi sa isang mas malaking venue tulad ng Smart Araneta Coliseum, sinabi niyang sa Meralco siya unang nag-show kaya run niya minarapat na gawin ang kanyang 10th anniversary.
Pinamagatang X Class: The Xtian Bautista Year 10 Concert, hindi lamang isang kantahan ang magaganap, magsisilbi rin itong isang naiibang karanasan na ipagkakaloob ni Christian sa mga manonood.
“Wala namang pagtatangka na ilagay ako sa harness pero magkakaroon kami ng intimate interaction ng mga manonood. Hindi ako artista pero may video na mapapanood na kung saan ay para akong nasa shooting at gumaganap ng mga action scene tulad ng kickboxing at Muay Thai. Kaya nga gusto ko sa Meralco dahil hindi gaanong malaki ang lugar, mga 1,000 lang ang seating capacity kaya mapi-feel ng audience ang aking performance kahit nasa dulo sila,” sabi ng masayang celebrator na ayaw dumepende sa kanyang mga guest.
Kaya sikreto pa kung sino ang makakasama niya sa show na kung saan ay makakasama niya sina Louie Ocampo at Rowell Santiago.
Sa kanyang gulang na 30 years old, gusto ni Christian na gumawa ng bagay na makapagdadala sa kanya to the next level makatapos siyang gumanap sa teatro, sumali sa Star in a Million, mag-record sa Warner Music at kumanta sa Indonesia at Singapore. Itinuturing niyang pinakamalaking achievement niya ’yung mapunta siya kay Carlo Orosa at ilagay siya nito sa entertainment na hindi niya inisip na pupuntahan niya. He wants to stay long in the business and make his mark.
“I’d like to stay as long as Basil Valdez and Tony Bennett. I don’t want to be forgotten. Also, I’d like to explore an international career, try acting, too. Hindi acting per se but a role na magsesemento sa career ko,” sabi ng balladeer.
Pero hindi ito ang dahilan kung bakit nababalitang lilipat siya ng GMA 7 dahil kasama sa offer sa kanya sa kabilang network ang lumabas sa mga serye. Ginagawa rin naman niya ito sa Kapamilya Network, sa seryeng Princess and I, na siya rin ang kumakanta ng theme song pero ayaw pa niya itong pag-usapan dahil wala pang information na sinasabi sa kanya ang management niya, at hindi pa naman expired ang kanyang contract with ABS-CBN.
Sinabi ni Christian na magiging bahagi ng kanyang concert niya ang Singaporean girlfriend. “Manonood lang siya pero anong malay n’yo baka kapag hiniling n’yong sumayaw siya ay pagbigyan niya kayo since she is a dancer,” sabi niya.
Robin Nievera nagtitipid kaya bumalik sa poder ni Pops, nahihirapan ding tumakas sa anino ng ama
Nagtitipid pala si Robin Nievera kaya bumalik ito sa kandili ng kanyang inang si Pops Fernandez. At 25 medyo hirap ang panganay ni Martin Nievera to be on his own dahil palaging gustong makita ng tao sa kanya ang kanyang ama.
Para ngang ayaw nila siyang bigyan ng pagkakataon na maipamalas ang sarili niyang talent pero hindi titigil si Robin ng paggawa ng paraan para magkaroon siya ng sarili niyang identity at tanggapin sa sarili niyang pagkatao at pamamaraan.
Ella ginagaya si Kathryn
Mukhang hinahabol ni Ella Cruz si Kathryn Bernardo na may tatlong leading men sa Princess and I. Magtatatlo na rin ang kapareha ng latest small screen mermaid named Aryana. Bukod sa nagsimulang mag-isa lamang na kapareha niya na si Paul Salas, nadagdag pa si Dominique Roque na naging love interest niya sa school na pinapasukan niya. Ngayon ay kasama na rin si Francis Mangundayao at kakaribalin niya sina Paul at Dominic
Ang bentahe ni Francis ay nauna na silang magtambal ni Ella sa Dahil sa Pag-ibig. First roles nila ’yung maging young Cristine Reyes and Piolo Pascual.
Kaya isinama na rin si Francis sa Aryana at kung makukuha niya ang interes ng mga manonood na una na nilang ibinigay kina Paul at Dominic na tulad ng ginagawa ngayon ni Daniel Padilla kina Enrique Gil at Khalil Ramos para maging rightful tandem ni Kathryn ang siyang inaabangan ng lahat.
- Latest