^

PSN Showbiz

Derek nakakuha na ng kapalit', gagawa rin ng pelikula kasama si Marian

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Masaya ang hitsura ni Derek Ramsay nang makita namin the other night sa launching ng Swatch basketball team na maglalaro sa Asi Taulava Charity Basketball Game: Built Upon The Rock (Sama-samang tutulong, sama-samang babangon).

Kakarating lang niya galing ng London at mataas pa ang energy matapos maka-rubbing elbows ang mga Olympic athletes bilang siya ang Olympic ambassador ng TV5. “Ibang experience ‘yun. Ako naghahabol sa mga players para ma-interview,” sabi ng actor na umaming maligaya siya ngayon dahil mukhang nakahanap na ng bagong pag-ibig.

Isa sa mga naging highlight ng kanyang coverage sa London ay nang makausap niya si Sue Bird, Women’s National Basketball Association player na naglaro din sa Olympics. Si Sue ay guard sa Seattle Storm ng WNBA.

“Tinawag ko siya, and then nagpa-interview siya,” masayang kuwento ng actor.

Bukod sa Olympics, natapos na pala niyang gawin ang Pinoy Amazing Race. Naglibot siya sa buong bansa pero ayaw pa niyang magbigay ng detalye. Eere na sa TV5 ang nasabing local version ng Amazing Race.

At kahapon ay sinimulan naman niya ang shooting ng movie with Anne Curtis and Andi Eigenmann.

Untitled pa ang movie under Viva Films. Pero ang description ni Derek, super daring ang role niya sa pelikulang ito. “Lot of sexy scenes for me, scenes in awkward places,” dagdag niya.

Excited na siyang makatrabaho ang dalawa.

Pero naiintindihan niya kung bakit nag-backout sa pelikula si KC Concepcion.

Magpapakita rin ba siya ng puwet sa pelikulang ito?

“Hindi naman. Kasi ‘yung sa No Other Woman, biglaan lang ‘yun,” katuwiran niya pero sure siya sa super super daring ito na ngayon lang niya gagawin.

Bukod sa untitled movie with Anne and Andi, sisimulan din niya ang series na Totoy Bato. Pero wala pa siyang idea kung sino ang makakasama niya sa series na siyempre ay ipalalabas sa Kapatid Network.

At meron pa siyang pelikula kasama si Marian Rivera. Yes si Marian na malamang ay magiging co-production ng Studio 5 at Regal Films. Pero wala pa siyang idea kung anong kuwento ng pelikula.

Samantala, walang Instagram account si Derek. Pero perfect naman ang Sunday niya bilang lagi silang nagba-bonding kasama ang kanilang pamilya.

Last Sunday ay kasama niya ang buong pamilya na nag-picnic sa Calatagan, Batangas. Kaya lang ay inulan sila.

Happy ba siya ngayon?

“I’m very happy with my life,” simpleng sagot niya.

Anyway, going back to Built Upon The Rock…, isa si Derek sa maglalaro sa Swatch Team sa gagana­ping fund raising game sa Ynares Sports Arena, 7:00 p.m. kung saan maglalaban ang Swatch Team (ni tita Virgie Ramos) at Black Water Team.

Lahat ng kikitain sa exhibition game ay mapupunta sa mga biktima ng baha sa Bulacan, Pasig at Rizal.

Si Asi Taulava ang unang lumapit sa may-ari ng Swatch stores sa bansa na si Tita Virgie Ramos para suportahan siya sa iniisip niyang fund raising event. Hindi nagdalawang salita si Tita Virgie at agad-agad ay nag-usap sila at heto na, gaganapin na sa Linggo, August 26, ang Asi Taulava Charity Basketball Game: BUILT UPON THE ROCK (Sama-samang tutulong, sama-samang babangon).

Aside from Derek, kasama rin sa mga maglalaro sina Billy Crawford at Chris Tiu na pawang kilalang mukha ng Swatch.

Pangungunahan ni Asi (playing coach) ang Swatch Team with Matteo Guidicelli, Carlos Agassi and John Hall at mga kilalang PBA superstars tulad nina Chris Lutz, Mac Mac Cardona, Ren Ren Ritualo, Arwind Santos, Chris Ross, Kelly Williams, Marcio Lassiter, Dylan Ababou, Denok Miranda, Mark Barroca, Gerard Francisco, Doug Kramer and Jay Jay Helterbrand habang si Jimmy Alapag naman ang coach ng kalaban nila.

Puwedeng manood ang lahat sa nasabing salpukan ng mga sikat na actor at mga PBA superstars na ang tanging hangad ay makatulong sa mga kababayan nating nasalanta ng habagat at bagyo. Bibihira itong mangyari.

Tickets are at Php 1,000, Php 500, Php 200 and Php 100

Misis ni Robredo hindi na kayang intrigahin ng mga anchors

Hindi nagtagumpay ang ilang news anchors na intrigahin ang naiwang pamilya ni Sec. Jesse Robredo.

May mga insinuations pa kasi ang ilang anchors na kesyo pinabayaan ng kanyang aide si Sec. Robredo at meron pa raw itong dalang malaking bag nang maisalba ng mga mangingisda sa Masbate matapos mag-crash ang eroplanong sinasakyan nila.

Meron ding issue sa hindi pagkaka-appoint ng CA ng namatay na DILG secretary. Pero kahapon ay nagsalita ang naiwang misis ng dating secretary at walang napala ang mga nag-iisip ng intriga.

Malinaw ang sinabi ni Atty. Robredo na wala siyang sama ng loob sa mga nangyari at tanggap ng pamilya niya ang lahat.

Kaya naman after ng presscon ni Mrs. Robredo, parang na-disappoint ang dalawang AM radio anchors. Nagduda pa sila na baka may kaharap lang kasing maraming tao si Atty. Leni kaya ganun itong magsalita. Nagtataka pa sila kung saan ito kumukuha ng lakas. Baka naman daw deep inside ay umiiyak ito.

Ganun. Pinagdudahan pa ni lady anchor.

Hindi na sila makuntento ‘di ba.

ASI TAULAVA CHARITY BASKETBALL GAME

BUILT UPON THE ROCK

DEREK

NIYA

PERO

PHP

ROBREDO

SIYA

SWATCH TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with