Shaina kay Bangs ibinuhos ang galit kay John Lloyd
Kung dati ay nahirapan si Shaina Magdayao na maka-move on matapos ang unang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz, mukhang mas mabilis niyang natanggap ang totoo na hindi talaga sila para sa isa’t ng kanyang ex ngayon.
Nakatulong ng malaki sa kanyang mabilis na recovery ang matagumpay niyang seryeng Kung Ako’y Iiwan Mo na na-extend ng one season.
Sa trabaho niya rito naibubuhos ang kanyang panahon. Idagdag mo pa ang pangyayaring napaka-physical ng kanyang role kung kaya hindi niya namamalayang wala na palang pait na nalabi sa kanyang puso. Nailabas na niya sa mga sabunutan at sampalan na madalas nilang maging eksena ni Bangs Garcia.
“Hindi biro ang sakit na nararamdaman namin ni Bangs tuwing makakatapos kaming mag-away sa mga eksena namin. Kaya pinagbubuti namin, para wala nang take 2. Kundi mamamaga ang mga mukha namin ay baka maubos pa ang mga buhok namin kapag nag-take 2 or 3 pa ang mga ganitong eksena namin, “ anang aktres na bukod sa kanyang acting career ay abala rin sa pagpapatakbo ng kanilang Ystilo salons.
May 14 na taon na ito simula nang umpisahan nila at mukhang hindi na mapipigilan pa ang pagdami ng branches nila at pagbibigay ng franchise.
Aware si Shaina sa kasabihan na kapag matagumpay siya sa ibang bagay ay magiging bigo naman siya sa isa, sa kanyang kaso, hindi maganda ang kanyang love life but she thinks this is better than being a failure in everything.
Ystilo has become a very successful family business, soon pati mga nieces and nephews niya ay kailangang nang tumulong sa pagpatakbo ng kanilang negosyo.
Dingdong gagastusan ang action movie ni Marian
Hindi mapasusubalian na ang dalawang pelikulang kinoprodyus ni Dingdong Dantes ay nagbigay ng new heights sa kanyang career. It did not only establish him as a movie producer with a vision more important than monetary gain, it also made him an actor to reckon with.
Hindi lamang nanakot ng mga manonood sa sinehan ang Segunda Mano, ginawa pa rin siya nitong best actor. At bagaman at nagsimula ito ng isang isyu, mas nanaig ang magandang pagkakataon na nakuha niya para patunayan ang kanyang sarili. Sa Tiktik The Aswang Chronicles, muling paplantsahin ni Dingdong ang nagsisimula nang pagtanggap sa kanya bilang isang mahusay na artista.
Habang hinihintay na maipalabas ang Tiktik, pinaghahandaan nila ng kanyang mga kasamahan ang pagpoprodyus ng isang pelikula para naman kay Marian Rivera.
Hindi drama kundi action ang pelikula, isang mala-Angelina Jolie na pagmumukhaing sisiw ang mga ginawa niyang aksiyon sa Darna at Amaya. Feeling ni Dingdong ay matagal nang walang babaeng gumagawa ng maaksiyong pelikula kaya sisimulan niya ito sa kanyang girlfriend. Ito ang dahilan kung bakit sa halip na si Marian ay si Lovi Poe ang kinuha niya sa Tiktik.
Angelica gusto munang sarilinin si JLC
Lumabas na ang totoo na hindi si Angelica Panganiban kundi si John Lloyd Cruz ang nag-post sa Internet ng kanilang perfect Sunday picture. Bagaman at ayaw magbigay ng linaw si Angelica tungkol sa totoong relasyon nila ng aktor, ang pangyayaring maging ang aktor ay gusto nang ipagmakaingay maging ang isa nilang private moment ay isang indikasyon na it’s just a matter of time bago ito tuluyang bumigay at aminin na gusto ni Angelica ay sarilinin muna niya.
“May karapatan ako to enjoy my privacy. In time, magsasalita rin ako, pero sa ngayon hayaan n’yo muna akong ganito,” pakiusap ng aktres na tulad ni Shaina ay may mga projects na pinagkakaabalahan kaya madaling nagagamot ang sugat sa kanilang puso na nalikha ng kanilang pakikipaghiwalay sa kanilang mga exes.
Kasalukuyang ginagawa ni Angelica ang isang serye na pagtatambalan nila ni Piolo Pascual, ang Apoy sa Dagat. May pelikula rin itong ginagawa, ang One More Try kasama sina Angel Locsin, Dingdong Dantes, at Zanjo Marudo.
Magagaling sa X Factor tinatanggal
Kahit anong pakonswelo ang sabihin ng Aka Jam sa pagpili sa kanila ng kanilang mentor na si Gary V para siyang maging third casualty ng X Factor nung Linggo ng gabi ay hindi makagagaan ng aking kalooban at kalooban din ng maraming manonood na naniniwala na mas nakaangat ang all girl group sa tatlong grupong hinahawakan niya sa nasabing reality program. Dalawang ulit na para sa akin na nagtatanggal ng mga hindi dapat ang mga mentors at texters ng programa. Nakakatakot na baka ang matira na lamang ay ‘yung mga second best.
Kailan naman kaya pagpipilian sina KC Tandingan at Allen Sta. Maria?
Madako naman tayo sa Protégé ng GMA7, wala kayang puwedeng gawin ang mga nasa likod ng programa para patigilin ang pag-aaway-away ng mga participants? Nagiging masama silang ehemplo sa mga manonood.
- Latest