^

PSN Showbiz

Of All The Things nina Aga at Regine, tuluy na tuloy na ang showing!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Finally, ipapalabas na ang pelikula ng ultimate heartthrob na si Aga Muhlach at ng rom-com queen na si Regine Velasquez, ang romance-comedy ng Viva Films na Of All the Things.

Yes, wala nang urungan ang pelikula ng dalawa with box-office director Joyce Bernal and scriptwriter Mel del Rosario, the same team behind their first two blockbuster films, Dahil May Isang Ikaw (in 1999) and Pangako… Ikaw Lang (in 2001).

Super promising sa trailer pa lang ang Of All the Things at andun pa rin ang kilig sa kanila kahit may kanya-kanya na silang pamilya.

Sumakto sa kanila ang character nila sa movie.

Si Aga si Umboy sa pelikula (umbrella boy). Kasi nag-oopisina siya bilang notary public na ang bubong lang ay payong. Dalawang beses na kasi siyang bumagsak sa bar exam kaya naman nawalan na siya ng gana na mag-take uli ng bar exam kaya naisipan na lang niyang magtayo ng sari­ling maliit na negosyo – ang notary public, na may kasamang photocopying service at mini mart na rin na nagbebenta ng juice, softdrinks, candies, biscuits, cigarette, at kung anik-anik pa sa labas ng DSWD building katulong ang kanyang pinsan (Mark Bautista).

Kabaliktaran naman niya ang character ni Regine (Berns) na super ambitious and overbearing woman. Isang social climbing class-A fixer na ‘well-connected’ sa mga matataas na opisyal ng gobyerno at mga pulitiko.

Ginagamit kasi niya ang kanyang charm para magkaroon ng mga transactions at legalities para sa quick fixing.

Hanggang ayon nagkakilala sila.

Hindi agad nagkasundo nang unang kutsabahin ni Regine si Aga. Pero siyempre may mga pangyayaring magpapatawa at magbibigay ng sobrang aliw sa mga manonood ng pelikula nila.

Although alam na nga ng lahat na medyo nabalam ang paggawa ng pelikula, pero walang nabawas sa kilig factor ng magka-partner at subok na sa romance-comedy movie. 

 “Shooting with Reg and Aga brings back memories of the three of us not understanding each other before.

 “We were in a different state of mind then at kanya-kanya kami ng eccentricities. We all love the first and second movie we made and are so happy to be together again. Nothing much has changed. Tumanda lang kami ng bongga!” sabi ni Direk Joyce Bernal sa kanyang naunang interview.

Bukod kina Aga at Regine, kasama rin sa movie sina John Lapus (bilang sidekick ni Regine) at Mark Bautista (sidekick ni Aga), Gina Pareño, Tommy Abuel, Pinky Marquez, Ariel Ureta, Nikki Bacolod, Raymond Lauchengco, Jojo Alejar, and Jay Perillo.

Mapapanood ang pelikula sa  Sept­em­ber 26 under Viva Films.

Christian ibang level ang gagawin sa X Class

Kung noon ay parang wala na sa vocabulary ni Christian Bautista na lumipat sa ibang channel, ngayon parang kino-consider na naman niya bilang naghahanap siya ng bagong level sa kanyang singing career.

Pero hindi ibig sabihin ay gusto niyang umarte. Ang gusto lang pala niya ay hindi siya pagsawaan ng tao and to stay like Tony Bennett at Jose Mari Chan na hindi nga pinagsasawaang pakinggan ng marami ang kanilang mga musika.

Anyway, ang bilis ng panahon. Sampung taon na pala ang Asiansation. Kaya naman isang concert ang gagawin niya bilang pasasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanyang mga kanta – ang X Class na ayon sa singer ay isang extraordinary concert experience – from changing sets to jaw dropping technology hanggang sa beautiful music and amazing performances.

Gaganapin ito sa Meralco Theater. At hindi lang isang gabi – five nights – October 6, 7,12,13,14, si Rowell Santiago ang director at si Louie Ocampo and musical director.

Mas gusto raw niya ang Meralco dahil mas intimate kumpara sa Araneta na halos hindi na makita ang nagpi-perform pag nasa mataas kang lugar. “X Class will really be the biggest concert series for me. I have been given this rare chance of working with the industry’s best Direk Rowell and Sir Louie.

“More than that, I get to perform where it all started – at the Meralco Theater, where I first performed professionally,” sabi ni Christian.

“Meralco Theater has opened a lot of doors for me. So tama lang that I celebrate my 10th year there. Everyone can expect the elements of musical theater fused with the exciting elements of a pop concert in X Class, sabi pa niya na ilang linggo na ring nagti-training para sa kanyang kakaibang concert.

For tickets ng X Class, call Ticketworld at 891-9999 and for further inquiries call Stages at 818-1111 local 225.                            

AGA MUHLACH

ALL THE THINGS

ARIEL URETA

LANG

MARK BAUTISTA

MERALCO THEATER

VIVA FILMS

X CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with